ON-AIR NOW:

365 Live Performance: Glaiza de Castro – Kapalaran

July 10, 2019

Bes! Alam mo ba na nakapag-release na ng four albums si Glaiza de Castro? Yes, Bes, una na nga rito ay ang Magbalik Ka album na ini-release niya noong 2001 sa ilalim ng XAX Music Entertainment kung saan siya ay thirteen years old pa lamang. Amazing diba? Ngunit hindi kaagad ito nasundan dahil five years pagkatapos niyang mai-release ang kaniyang kauna-unahang album ay tsaka palang ulit nakapaglabas ng panibagong album si Glaiza de Castro. Ito ay ang kaniyang self-titled album na Glaiza na nasa ilalim naman ng Dyna Records. Binubuo ito ng pop and R&B songs at mostly ay original contents bukod sa dalawang mga kanta: ito ay ang Tagalog version niya ng kanta ni Joey Albert na “How Can I Make You See” (pinamagatang “Paano” sa album), at ang English version ng kantang “Basta’t Kasama Kita” ni Dingdong Avanzado.

Natagalan si Glaiza sa pag-release ng kaniyang second album na umabot ng limang taon dahil ayon sa singer ay hindi niya ni-renew ang kaniyang kontrata sa XAX Music Entertainment at instead nag-focus siya sa kaniyang career sa TV. Nagbunga naman ito dahil siya ay opisyal na ipinakilala sa TV noong 2008 o dalawang taon pagkatapos niyang mai-release ang kaniyang self-titled album.

Nagtuluy-tuloy nga ang pagsikat ni Glaiza sa TV at sa pagkanta. At ngayong 2019 nga ay may panibago siyang handog sa ating lahat. Ito ay ang kaniyang newest single na kaniyang ipinadinig sa kaniyang pagbisita sa 365 Live stage. Kaya naman, mga Bes, pakinggan natin si Glaiza de Castro para sa kaniyang 365 Live Performance ng kaniyang pinakabagong kantang “Kapalaran.”

Comments



365 Live Performance: Glaiza de Castro – Kapalaran

July 10, 2019

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use