Kaisa ang Yes the Best DJs sa Light It Forward Global Movement
December 4, 2020
Nakiisa ang Yes the Best jocks sa global movement na Light It Forward na naglalayon na mag-provide ng sustainable na solusyon sa mga kumunidad na walang kuryente.
Ang Light It Forward ay isang global movement na naglalayon na ipagbuklod ang mga iba’t ibang personality sa media, business, at service groups upang magbuo ng solar lights para sa mga community na walang kuryente sa gitna ng global crisis.
Nakiisa si Sexy Megan, Lyka Barista, at Maria Morena sa Light It Forward movement at tinanggap ang challenge sa kanilang Facebook Live. Mapapanood ang video ng kanilang paga-assemble ng solar light sa Yes the Best Facebook page. Nakatanggap sila ng solar light kit. Mayroong solar light, manual, solar panel, at mga kailangan para ma-assemble ang isang solar light. Ang bawat solar kit ay nagkakahalaga ng 1,670.00 pesos at puwedeng mag-purchase ng kits sa CSR page ng epalengke online platform.
Ang isang solar light at kayang i-assemble sa loob ng 30 minutes. Maganda rin itong paraan upang makapag-bonding kayo ng friends, family at pati na rin ng partner mo. May natutunan ka ng bagong kaalaman, nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa!
Sa ngayon ay mayroon ng higit 120 celebrities, influencers, at artists na nakiisa sa Light It Forward global movement. Bukod sa Yes the Best Manila ay nakiisa rin ang Love Radio Manila at Easy Rock Manila dito kasama ang iba pang mga bansa na tumutulong makapagbigay ng sustainable na source of light sa mga kumunidad na hindi abot ng elektrisidad.
Para sa karagdagang impormasyon sa Light it Forward campaign, maaring i-check ang www.lightitforward.ph
Instagram: @literoflight
Facebook: www.facebook.com/aliteroflight
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCmkj2sShWG4O5xGdq15gB7A/
Related Content
-
Happy 500K followers kay Maria Morena!
January 8, 2021
-
Ang mensahe ni Rico Panyero sa kanyang mga inaanak
December 18, 2020
-
Ang mas effective na gamot sa sakit ayon kay Lyka Barista
December 11, 2020
Comments