James Reid at Issa Pressman, legit na nga bang mag-jowa na?
March 17, 2023
View this post on Instagram
‘Yown! Mukhang may nahuli nga, Bes! ‘Eto kasi si James Reid at Issa Pressman nakitang magka-holding hands!!! Ang sweet naman ‘di ba kung magkaibigan lang! HAHAHA! So, alam na Bes!
Sabi ng netizens, may something na nga sa dalawa!
At hindi lang d’yan natatapos ang chismis, Bes! Pinost kasi ng aktres sa kanyang Instagram account ang photos and videos nilang dalawa ni James na umattend sa concert ni Harry Styles’ sa Philippine Arena.
Marami rin ang nag-comment sa IG followers ni Issa. Ito ang kanilang mga comment:
“Kailangan pa pala ni Harry mag concert para mag jowa reveal,” sulat ng isang follower ni Issa.
“Luh totoong time is the ultimate truth teller nga. Tagal pa umamin. Buti nalang idol ko si Nadine,” dagdag ng isa pang commenter.
“Perfect timing to confirm that they’re officially dating to make headings and divert the Liza Soberano’s career growth media release gone wrong,” huling hirit pa ng isa.
Maalala kasi noong January 2020, naakusahan si Issa na siya ang dahilan (third party) kung bakit naghiwalay si James at Nadine. Pero s’yempre, noong panahon na ‘yun, todo tanggi ang aktres!
Totoo nga, Bes! Walang sikreto ang hindi nabubunyag!
Comments