DJ Caren, nagbitaw ng salita para sa nang-iwan sa kanya!
January 27, 2022
View this post on Instagram
Bes! Na-experience mo na bang kiligin sa isang taong daig pa ang panaginip? ‘Yung natulog ka lang saglit, tapos pagkagising mo, wala na siya? HAHAHA! Kung oo ang sagot mo, edi congrats! Isa ka nang ganap na ghost fighter!
Pero ‘wag kang mag-alala dahil relate na relate si DJ Caren sa’yo diyan! Kaya hindi na rin napigilan ni Hugot Queen magbigay ng mensahe sa taong pinakilig lang siya, tapos biglang nawala. Isang malutong na “Walanghiya ka po!” na lang ang nasabi niya! Galet na galet, gustong manaket? HAHAHA! At least, magalang pa rin ‘di ba?
Hay nako! Kung naka-relate ka sa ganitong eksena, siguradong mas makaka-relate ka pa sa mga susunod na hugot nitong si DJ Caren! Follow mo na siya sa Facebook at iba pang social media accounts niya para sabay-sabay tayong humugot araw-araw!
Follow mo na rin ang Yes The Best Manila Facebook Page para hindi ka nahuhuli sa balita! G? G!!
Comments