• 365 Live Performance: Jeremiah – Oh Babe

    May 30, 2019

    Bes! Talaga namang award-winning ang banda na Jeremiah! Dahil alam mo ba na noong 1999 ay kinilala ng Awit Awards bilang “Best New Group Singer/Entertainer” ang bandang ito. Hindi pa natatapos d’yan dahil ginawaran din sila ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. ng “Most Popular Group Entertainer” award habang iba’t ibang pagkilala rin ang natanggap nila mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI) para sa kanilang award-winning records.

    Ang second album naman ng Jeremiah ay isang self-titled album na may carrier single na “Bakit Ka Iiyak?” na inawit ng kanilang bagong miyembro na si Symon Soler na siyang pumalit kay Al Nievera. Ang music video ng nasabing kanta ay pinagbidahan ng aktres na si Glydel Mercado.

    At sa pagbisita ng Jeremiah sa 365 Live ay kanilang inawit ang isa sa mga kanta na naging parte ng kasikatan nila, panoorin natin sila sa kanilang 365 Live Performance ng kanilang kantang “Oh Babe.”

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: Jeremiah – Nanghihinayang

    May 30, 2019

    Bes! Alam mo ba na nabuo ang bandang Jeremiah noong summer ng 1998? Ito ay kinabibilangan ng mga orihinal na miyembro nito na sina Ronaldo “Olan” Crizaldo, Piwee Polintan, Froilan “Froi” Calixto, Glenn “G” Gonzales at Al Nievera.

    Ang naging susi para mabuo ang bandang ito ay si Larry Hermoso na siya ring naging composer ng kanilang kantang “Nanghihinayang” na nagsilbing unang single ng grupo. Ito ang naging theme song ng hit movie na “Labs Kita, Okey Ka Lang?” na pinagbidahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

    Ang kauna-unahang album naman ng Jeremiah na pinamagatang “Heart & Soul” na nasa ilalim ng Star Records ay kinilala bilang isang Gold Record sa loob ng tatlong linggo. Ang kantang “Nanghihinayang” ay ang siyang nagsilbing carrier single ng nasabing album na nanguna sa mga music charts sa Pilipinas sa loob ng 20 weeks.

    Kaya naman muli nating panoorin ang Jeremiah sa kanilang 365 Live Performance ng kanilang kantang “Nanghihinayang.”

    Watch & Comment

  • 365 Live Highlights: The Bloomfields

    May 23, 2019

    The Bloomfields is a Filipino band heavily influenced by 1960s music and is currently composed of Rocky Collado, Lakan Hila, Louie Poco and Dino Pascual. They first gained prominence in their alma mater La Salle Greenhills and went mainstream in 2005. The band is famous for their hit songs Wala Nang Iba and their rendition of Ale and Babaero. The band is also known for all of its members doing vocals.

    More interviews on 365 Live: A Catch 22 Exclusive every Thursday at 3pm on 90.7 Love Radio, 101.1 Yes the Best, and 96.3 Easy Rock.

    Watch & Comment

  • Top 5 Best Moments of the Week 18 2019

    May 22, 2019

    Isa na namang nakakatawang linggo ang nakalipas sa Yes the Best booth!

    Si Bebe Boy raw ugali? May sinabing maliit kay Sexy Megan? Npaa-walk out tuloy si Sexy Megan sa Yes the Best booth? Nako, mukhang masama ang binitaw ni Bebe Boy ah? Dahil diyan napachika na lang si Sexy Megan kay Shai Tisai at mukhang juicy ang usapan dahil biglang napazoom-in si Kiko Kalikot eh! Ang lakas ng pakiramdam talaga ni Kiko! Bakit kaya?

    Eh sa hugot eleksyon kaya na usapan nila Rico Panyero at Rica Herra napazoom in kaya si Kiko Kalikot o allergic siya sa usapang pulitiko?

    Basta ang alam ng lahat may na-distract at nautal utal na. Si Kiko Kalikot ang saksi sa nakita ni Maria Morena! Kung gusto mong malaman ang lahat ng yan, tumutok ka na sa Top 5 Best Moments of the Week at ng hindi ka na mahuli pa sa mga kaganapan!

    Watch & Comment

  • Kill this love Dance Cover by Sexy Megan

    May 22, 2019

    Iba talaga kapag sumayaw na si Mayora Sexy Megan ng KILL THIS LOVE! Talagang hataw kung hataw! At balita namin naka-ilang take pa sila d’yan ni Bebe Boy! Pero ang Mayora full pa rin ang energy parang hindi napapagod!😍

    Panuorin mo na ang kanyang bagong dance cover! 💜

    Watch & Comment

  • 365 Live Highlights: Daya

    May 17, 2019

    Daya is an American singer and songwriter from Mt. Lebanon, Pennsylvania. She released her self-titled debut extended play (EP), Daya, on September 4, 2015.

    Watch & Comment

  • 365 Live Highlights: Jeremiah

    May 10, 2019

    The band Jeremiah was formed by Larry Hermoso, who was also the composer of the song “Nanghihinayang”, the group’s first single which was used as the theme song of the hit movie “Labs Kita, Okey Ka Lang?” starring Jolina Magdangal and Marvin Agustin.

    After more than a decade, they will perform again together! JEREMIAH The Reunion (21st Anniversary). On June 06, 2019 @ Zirkoh Morato.

    More interviews on 365 Live: A Catch 22 Exclusive every Thursday at 3pm on 90.7 Love Radio, 101.1 Yes the Best, and 96.3 Easy Rock.

    Watch & Comment

  • 365 Live Highlights: Christian Bautista

    May 10, 2019

    Isa ka bang solid na fan ni Christian Bautista? Bes, silipin mo na ang behind the scene ng kanyang interview sa 365 Live! Promise kikiligin ka rin sakaniyang stolen shots.

    Bumisita si Christian Bautista sa 365 Live para ipromote ang kanyang mga bagong kanta! Katulad na nga lang ng kanyang version ng Eraserheads song na Ligaya. Kaya Bes, silipin mo na ang BTS ng kanyang interview.

    More interviews on 365 Live: A Catch 22 Exclusive every Thursday at 3pm on 90.7 Love Radio, 101.1 Yes the Best, and 96.3 Easy Rock.

    Watch & Comment

  • Top 5 Best Moments of the Week 17 2019

    May 9, 2019

    Updated ka ba sa mga kaganapan ngayong linggo, Bes?

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: Christian Bautista – Ligaya

    May 9, 2019

    Bes! Fan ka ba ni Christian Bautista? Eh fan ka rin ba ng bandang Eraserheads? Nako! Kung parehas mo silang gusto eh ito ang bagay sa’yo dahil kinanta lang naman ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang kaniyang rendition ng hit song ng bandang Eraserheads na pinamagatang “Ligaya.” Dito lang ‘yan sa 365 Live, a Catch 22 exclusive.

    Watch & Comment

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.