• 365 Live Performance: The Bloomfields – Ilaw

    June 6, 2019

    Bes! Alam mo ba kung paano mag-compose ng kanta ang members ng The Bloomfields? Nako, Bes, kung hindi pa eh talaga namang matutuwa ka kung paano sila individually sumusulat ng kanta. Dahil noong tinanong sila ng Cosmo.ph para sa isang interview way back 2010 kung saan o paano sila nagco-compose ng kanta ay ito ang kanilang naging mga sagot:

    Louie: “Usually while I’m driving.”

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: The Bloomfields – One Time Never Mind

    June 6, 2019

    Maraming taon na rin ang nakalipas nang magsimula ang The Bloomfields sa paghahatid ng entertainment sa mga tao- bata man o matanda. Gamit ang kanilang musika na inspired ng 60s music, matatagpuan ang banda na nagpe-perform sa iba’t ibang mga bars sa Metro Manila. Masasabi rin na suki ang banda ng corporate at media events dahil madalas itong maimbitahan para kumanta sa iba’t ibang okasyon. Madalas na tugtugin ng The Bloomfields ang rock and roll, sporadic ballads, at mellow hits.

    At sa pagbisita nila sa 365 Live ay hindi nila maaaring hindi ipamalas ang kanilang talento sa pag-awit lalo na at mayroon silang latest track. Kaya naman pakinggan natin ang The Bloomfields para sa kanilang 365 Live Performance ng kanilang kantang “One Time Never Mind” mula sa kanilang upcoming album na “Drop Into The Blue”.

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: The Bloomfields – Huli Ka

    June 6, 2019

    Bes! Alam mo ba na bukod sa pagtugtog ay naglalaan din ng oras ang bandang The Bloom Fields para sa kanilang adbokasiya. Yes, Bes, dahil sina Rocky Collado, Lakan Hila, Louie Poco, at Dino Pascual ay aktibo ring sinusuportahan ang Senyas Kamay, isang organisasyon na nangangalaga sa mga hearing impaired nating mga kapatid. Nakakabilib diba, Bes? Pero ito ang mas nakakabilib, dahil sa kanilang pagbisita sa 365 Live ay muli na naman nilang ipinamalas ang kanilang galing sa pag-awit para sa kanilang 365 Live performance ng kanilang kantang “Huli Ka”.

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: The Bloomfields – Tutut

    June 6, 2019

    Ang The Bloomfields ay isang Filipino band na heavily influenced ng 1960s music. Ito ay kasalukuyang binubuo nina Rocky Collado, Lakan Hila, Louie Poco, at Dino Pascual. Una silang nakilala sa kanilang alma mater na La Salle Greenhills at napunta sa mainstream music industry noong 2005. Kilala ang bandang The Bloomfields para sa kanilang hit song na Wala Nang Iba at kanilang rendition na Ale at Babaero. Natatangi rin sila dahil ang lahat ng kanilang mga miyembro ay may papel sa vocals.

    At sa kanilang pagbisita sa 365 Live stage ay kanilang ipinadinig ang kanilang kantang “Ilaw” kaya naman pakinggan natin sila para sa kanilang performance nito.

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: Daya – Don’t Let Me Down

    June 4, 2019

    Matapos ang debut niya noong April 22, 2015 para sa kaniyang kantang “Hide Away” ay nagtuluy-tuloy nga ang pagsikat ni Daya lalo na noong makasama niya ang The Chainsmokers para sa collaboration ng hit song na “Don’t Let Me Down”. Nag-peak ang kanta sa number 3 ng Billboard Hot 100 na nagsilbing ikalawang top 40 entry at kauna-unahang top 10 ng singer/songwriter.

    Noong December 6, 2016 ay in-announce na nominated ang “Don’t Let Me Down” para sa 59th Annual Grammy Awards na kinalaunan ay nanalo bilang Best Dance Recording. Ito ang nagsilbing kauna-unahang Grammy Award ni Daya. Kaya naman panoorin natin siya sa kaniyang 365 Live Performance ng “Don’t Let Me Down.”

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: Daya – Insomnia

    June 4, 2019

    Bes! Alam mo ba na nag-umpisa ang professional career ng singer and songwriter na si Daya noong sinamahan siya ng kaniyang mga magulang papuntang Los Angeles upang magtrabaho kasama sina Christina Chirumbolo at Gino Barletta, ang mga founder ng INSIDE ACCESS by Accelerando, Brett McLaughlin, Britten Newbill, at Noisecastle III sa Paramount Recording Studios para mag-aral ng song writing.

    Dito nagsimulang isulat at i-record ni Daya ang kaniyang debut single na “Hide Away” na hindi niya naman inaakala na sisikat. Pero nagkamali siya ng akala dahil siya ay tinulungan ng radio promotions veteran na si Steve Zap ng Z entertainment upang mai-promote ang kanta na tuluyan ngang nag-breakthrough matapos mag-peak sa number 23 ng Billboard Hot 100 noong 2015.

    At sa paglabas ng kaniyang bagong single ay hindi nagpahuli ang 365 Live upang masaksihan ito kaya naman panoorin natin si Daya para sa kaniyang 365 Live Performance ng kaniyang latest song na “Insomnia”.

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: Daya – Hide Away

    June 4, 2019

    Si Grace Martine Tandon or professionally known as Daya ay isang American singer and songwriter. Siya ay ipinanganak noong October 24, 1998 sa Mt. Lebanon, Pennsylvania at kasalukuyang nasa ilalim ng Artbeatz, Z Entertainment, at RED Distribution. Ini-release niya ang kaniyang self-titled debut extended play (EP) na “Daya” noong September 4, 2015 na kinabilangan ng kaniyang kantang “Hide Away” na naging number 23 sa Billboard Hot 100. Sa kaniyang pagbisita sa 365 Live ay pakinggan natin si Daya sa kaniyang performance ng kaniyang chart-topping song na “Hide Away”.

    Watch & Comment

  • 365 Live Highlights: 6cyclemind

    May 31, 2019

    Ang 6cyclemind ay isang Filipino band na binubuo nila Tito Fortunato “Tutti” Caringal II sa vocals, Ryan “Rye” Sarmiento sa rhythm guitars and backing vocals, Roberto “Bob” CaƱamo sa bass guitar and backing vocals, Herbert Hernandez sa lead guitars at Vic Aquino naman sa drums.

    Their music is a fusion of alternative and pop music. The band gained a mainstream exposure in the early 2000’s and was a prominent fixture of the Tunog Kayle era.

    Watch & Comment

  • Top 5 Best Moments of the Week 19 2019

    May 31, 2019

    Pag talaga, hindi na nagkaroon ng anak si Rico Panyero… alam niyo na ang point person!

    Watch & Comment

  • 365 Live Performance: Jeremiah – Sana

    May 30, 2019

    Bes! Alam mo ba na sumali ang Jeremiah sa Metropop Song Festival noong 2000? Oo, Bes, inawit ng grupo ang kantang “Ganyan Ako” na isinulat ni Vehnee Saturno. Dito ay nanalo sila bilang 3rd place habang nanguna naman ang kantang “Paano Na?” ni Bituin Escalante at “Forever in a Day” naman ni Rachel Alejandro.

    Noong 2001, ay nagpaalam sa grupo ang kanilang miyembro na si Glenn G upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa USA. Bagaman umalis ay napag-desisyunan ng banda na huwag alisin si Glenn G sa kanilang grupo, sa halip ay magpatuloy na lamang sila bilang isang 4-member group.

    Bawas man ay hindi ito naging hadlang upang hindi makapagdaos ng concerts ang Jeremiah, kabilang na nga rito ang kanilang 2002 US Concert Tour at 2003 Japan and US Concert Tours. Pagbalik sa Pilipinas ay napag-desisyunan ni Symon Soler na maging solo artist dahilan upang ito ay umalis sa grupo. Siya ay pinalitan ni Mico Mauleon.

    Kaya naman sa kanilang pagbisita sa 365 Live ay kanilang inawit ang kanilang reunion single na pinamagatang “Sana.” Panoorin natin ang Jeremiah para sa kanilang 365 Live Performance nito.

    Watch & Comment

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.