-
101.1 YES The Best
Likas na masiyahin at positibo ang mga Pinoy, at sa pagkakakilalang ito inihalintulad ang himpilan ng radyo na itinayo ng Manila Broadcasting Company noong 1998 – ang 101.1 Yes The Best.
Sa pagkakatatag ng Yes The Best, naging bukas ang pandinig ng masang Pilipino sa mga street-smart jokes ng mga radio DJs.
Mula sa tahanan hanggang sa mga pampublikong sasakyan at magin sa mga mobile phones, ang patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy sa karakter, programa at music format ng 101.1 Yes The Best ang naging tulay para mas makilala pa ang istasyon. Patunay dito ang popularidad ng mga taglines na “Derecho”, “Automatic Yan!” at “Hayahay”.
Sa 25,000 watts transmitter nito sa BSA Towers, naaabot ng himpilan ang mga taga-pakinig sa Metro Manila at piling bahagi ng Bulacan, Rizal Province, Nueva Ecija, Zambales, Quezon, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Pampanga, Tarlac at Pangasinan.
Mula sa kakaibang karakter ng istasyon – maging mga radio DJs – patuloy na kinikilala ang 101.1 Yes The Best sa industriya ng Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang FM radio station na pinakikinggan ng masang Pinoy.
Noong 2010, unang kinilala ng Gawad Tanglaw ang Yes The Best bilang Best FM Station sa Metro Manila. At nito lamang Marso 12, 2014, napabilang na sa Hall of Fame awardee ng Gawad Tanglaw ang 101.1 Yes The Best dahil sa limang magkakasunod na taong pagkapanalo ng istasyon bilang Best FM Station.
-
Manila Broadcasting Company
Ang Manila Broadcasting Company ay isa sa pinaka-unang broadcast institution sa Pilipinas.
Matapos ang World War II, pinalitan ni Don Manolo Elizalde ang pamumuno ng mga Heacock (ang dating nagmamay-ari ng KZRH) at nagpa-tayo ng bagong studio sa taas ng Insular Life Building sa Plaza Cervantes sa loob ng apatnapung (40) araw matapos ang Liberasyon.
Taong 1949 nang sinimulang mag-broadcast sa buong bansa ang KZRH (kilala ngayon bilang DZRH) – na naging kauna-unahang himpilan ng radyo na makaabot sa mga taga-pakinig mula sa hilagang Basco hanggang sa katimugan ng Jolo. Sa loob ng dekada ’50 at dekada ’60, naitaguyod nila ito bilang nangungunang istasyon sa pag-babalita at entertainment sa Pilipinas – ang katangian na kanilang pinanghahawakan hanggang sa ngayon.
Kasunod ng pagkaka-kuha nila sa DYRC Cebu, na ngayon ay Aksyon Radyo, lumawak ang kanilang naaabot sa FM band sa pamamagitan ng DZMB (mas kilala ngayon bilang 90.7 Love Radio) – na sa kalaunan ay nadagdagan ng 101.1 Yes The Best, at ang pinaka-bago, ang 96.3 Easy Rock. Sa tulong ng mga provincial partners, isinilang ang Radyo Natin network na umaabot maging sa kasuluk-sulukang bahagi ng bansa.