Usapang choices at possibilities sa “Ang Huling El Bimbo” musical
May 21, 2020
Bes, nakapanood ka ba noong “Ang Huling El Bimbo” na musical?
Nakooo napaka-rich kid mo naman kung nakapanood ka mismo noong play sa teatro. Pero ‘di ba ang galing din naman nitong nakaraang May 8-9? Kahit naka-quarantine tayong lahat eh binigyan din tayo ng chance ang musical for 48 hours straight… for free!
Napakaganda rin naman na naging venue ng fund raising ‘yung streaming ng musical para sa mga displaced workers dahil sa COVID-19 pandemic.
Pero bukod sa mga bagay na ‘yan, kinagiliwan nang lubusan ng audience ang mga cast nito at sa mga kantang hatid nito na relate na relate ang mga batang 90s! Isama mo pa ‘yung realidad ng buhay na ipinapakita ng storyline ng musical na ito.
Sabi ng direktor na si Dexter Santos, nais niyang bigyan ang audience ng isang old and fresh experience dahil pangalawang salang na daw nitong musical na ito. “Doing it for a second time is all about possibilities, all about perspectives, all about choices. We really want to maximize and saturate the full potential of the show,” sabi ng direktor.
‘Yun namang kanilang associate director na si Menchu Lauchengco-Yulo, she’s expecting na makapag-push ng something na hindi pa nila nagagawa noon. “We don’t want to settle for something we’ve done before. If we can push it to give audiences more, then why not. We think of El Bimbo as our baby, and you watch it grow, and you nurture it and you guide it to reach its full potential of what the audiences deserve to see.” Galing ‘di ba?!
Kasama nila as writer-director si Floy Quintos na nagsilbi ding “dramaturg” para bongga ang execution ng narrative. Part naman ng creative team sina Myke Solomon bilang musical director, Marlon Rivera bilang costume designer, Michael Williams bilang artistic director at ang playwright na si Dingdong Novenario.
Si Gab Pangilinan ang gumanap na batang Joy at si Menchu Lauchengco-Yulo naman ang tumandang Joy. Si Bibo Reyes at Gian Magdangal naman ang bata at tumandang Hector. Gumanap bilang bata at tumandang Anthony sina Phi Palmos at Jon Santos. Kasama din bilang bata at tumandang Emman sina Boo Gabunada at OJ Mariano.
“Ang Huling El Bimbo” musical ay isang kwento ng pagkakaibigan na mas binuhay at naging tampok dahil sa mga kantang hatid ng mga iconic rockband noong 1990s. Simple lang naman ang ipinapakita ng musical, kung paano nagiging makapangyarihan ang pagkakaibigan at kung paano tayo hinuhubog nito.
Dahil sa nakaka-antig na istorya nito ay umani ito ng iba’t ibang reviews mula sa mga kilalang personalidad. Nito namang inilabas ito through online streaming, lalo namang naging ganap at realistic ang pakikibaka ng mga Pilipino lalo ngayong nasa gitna ng bansa at ang buong mundo ng isang pandemya.
Related Content
-
Ang handog ng cast ng All Out of Love the Musical
October 12, 2018
-
Ang bigating simula ng 2019 para sa Mayonnaise
January 25, 2019
-
FEATURED ARTIST: ‘Perfectly Imperfect’ Sarah Geronimo
November 17, 2014
Comments