ON-AIR NOW:

‘Thriving’ ang vision at movement ni Quest

March 26, 2021

Siguro marami sa atin, mga Bes, ang minsan nang nangarap maging isang sikat at successful na artist, lalo na sa larangan ng musika at pag-awit.

Ang ating Featured Artist of the Month ay isa sa mga nangarap noon kahit na hindi masyadong exciting ang kanyang kabataan. Kilalanin natin, mga Bes, si Quest!

Nagsimula si Quest bilang isang pangkaraniwang bata, “not so spectacular,” katulad ng sabi niya. Nang minsang isang araw ay may nakilala siyang manager at producer. Dahil doon, nagsimula ang kanyang development through the years. Aminado siya na nagawa niya ang mga trial and error kumbaga ay gawa lang nang gawa. “I kept on grinding on making music,” dagdag pa niya.

Minsang naging isang Music Ministry Director si Quest sa isang Christian Church. Doon daw nagsimulang ma-fall in love siya sa music. Sa loob ng dalawang taon, doon niya na na-realize na “his music is rooted in faith.” “It is a reflection of my values, reflection of what I believe, and message that I want to convey in the society.”

DREAM COLLABORATION

Walang dream collaboration si Quest. Hindi niya pangarap na magkaroon ng collaboration sa mga sikat at sa mga high profile na mga musical artists.

Pero napaka-noble ng kanyang gustong collaboration. Ang collaboration na gusto niyang mangyari ay ‘yung makatulong sa mga baguhang artist na gustong makapasok sa industriya. Gusto niyang tulungan ‘yung mga aspiring artists para magkaroon din sila ng opportunity katulad niya.

Gustong tulungan ni Quest ang mga “bagong salta na nangangarap sa industriya.”

‘IKAW LANG’

Ang latest single ni Quest ay may title na ‘Ikaw Lang.” Kino-consider niya ang kantang ito as pandemic song.

Napaka-sweet ng mensahe ng kanta niyang ito. Dahil single si Quest ngayon, gusto niyang sabihin sa kanyang future partner na “I’m preparing myself to you.”

Ang buong kanta umano ay parang isang sulat sa kanyang future partner na nagsasabing siya ay handa sa kanyang pagdating anumang oras.

ESTADO NG OPM

Minsang tinanong ni Sexy Megan si Quest kung ano na nga ba ang estado ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon.

“Thriving amidst the pandemic.” Ito ang kanyang naging sagot.

Bakit thriving? Sabi ni Quest, thriving ang OPM kahit na may sakunang nangyayari sa mundo. “It has no dominating genre. Everyone appreciates every song. Artists supporting artists, fan-based supporting another fan-based.”

Isa pang magandang dahilan kung bakit ito thriving dahil mas malawak daw ang access ngayon ng mga artists. Sa dami ng access ng mga artists ngayon, maaaring mag-succeed sa industriya ngayon kahit na hindi ito lumalabas sa TV. “The plain field has being leveled, whether you’re big name or starting, you have the opportunity to make it big.”

MENSAHE PARA SA MGA ASPIRING ARTISTS

Napakaganda ng message ni Quest para sa mga aspiring artists. Sana ma-inspire lahat nang makakabasa nito:

“You’re creative, keep creating. If you’re a songwriter, every season, everyday is an opportunity for you to write. Don’t miss out always.” Sabi niya.

Dagdag pa ni Quest, “Repetition, consistency, I guarantee you, a hit song is about to be played by you. Don’t give up just because you just made one song. Just keep creating. Maybe your hit song come out on the 34th or maybe the second…”

“Just keep creating and eventually, I guarantee you, you gonna write a hit song that’s going to catch millions of people.”

BAKIT ‘QUEST?’

Minsan ka na bang na-curious kung bakit ‘Quest’ ang kanyang pangalan?

Hindi naman daw talaga gumawa ng pangalan si Quest. Hindi raw ito pangalan, hindi rin career, pero isa itong movement.

“’Quest’ because I want to create music that will take you on a journey. It is a name that represents my vision not just an artist.”

Kilalanin pa si Quest sa kanyang interview kay DJ Sexy Megan. Para malaman ang latest sa kanya, maaari niyo rin siyang i-follow sa kanyang mga social media accounts.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use