Pinoy and Korean at heart ang SB19
June 12, 2020
Uy Bes! Have you heard of the group SB19?
Patok na patok sila sa mga KPop fans sa Pilipinas ngayon. Pero hindi sila KPop group. Isa silang Pinoy boy band na binubuo Josh, Sejun, Stell, Ken, at Justin.
Mukha silang Korean pero Pinoy talaga sila. Sila ang unang Filipino group na trained ng isang Korean entertainment company sa South Korea.
Ang SB19 ay binuo ng ShowBT Philippines, isang subsidiary ng ShowBt group sa South Korea. Silang mga member ng SB19, noong sila’y mga aspirant pa lamang, ay dumaan din sa mga training na pinagdaanan ng mga KPop idols.
Nagsimula ang grupo noong October 26, 2018 gamit ang kanilang first single na may title na “Tilaluha.” Sinundan ito ng single na “Go Up” na na-release noong July 26, 2019.
Pero mas nakuha nila ang atensyon ng publiko noong i-upload nila sa YouTube ang dance practice nila ng “Go Up” noong September 2, 2019. Naging viral ‘yun sa Twitter at nai-share ng mga KPop fans na Pinoy.
Halos lahat naman ng members ng SB19 ay coonected dahil sa pagmamahal nila sa Hallyu. Agreeable sa grupo ‘yung gusto nila sa mga Korean, ‘yung disiplina ng mga ito. Sa isang interview sinabi ng isang member na si Josh, “Na-inspire ako sa music nila [at] kung paano sila mag-isip. Kasi yung mindset nila super disciplined. So parang ako, sa sarili ko, gusto ko rin maging disiplinado.”
Nagustuhan naman ni Justin sa mga Korean artists ay ‘yung creativity ng mga ito lalo na sa mga specific characters nito sa mga K-drama.
By accident naman ang naging dating nila Sejun at Ken sa Hallyu. “Nagsimula po ako sa hip hop, may hip hop group po ako dati. And noong mga time po kasi na ‘yon parang paulit-ulit lang po [ako], parang gusto kong mag-explore and lumawak yung kaalaman ko pagdating sa dancing,” sabi ni Ken sa isang interview.
Si Sejun ang number one K-pop fan sa buong grupo. Naging member siya ng SB19 dahil sa malalim na pagkakaintindi niya sa Korean culture. Nakapag-attend pa nga siya sa isang Korean-Filipino culture exchange. “One time po nung college ako um-attend ako ng seminar ng Korean-Filipino Cultural Exchange, tapos doon nalaman ko po yung history ng Korea. Sabi ko, ang Pilipinas kayang kaya ‘tong gawin e kasi sa totoo lang po talented po talaga ang mga Pilipino. Kahit po yung Korean teacher namin and yung CEO namin, ina-admit niya na talagang sobrang gagaling ng mga Pilipino, sobrang innate po yung talent sa kanila.”
Nito lamang November 20, 2019, ‘yung SB19 ang unang Filipino act na nakapasok sa Next Big Sound Chart ng Billboard. Pasok naman ang grupo sa Sony Music Philippines at pumirma na sila ng recording ciontract dito noong December 25, 2019. Noong parehong araw, nag-release sila ng kanilang latest single na may title na “Alab.”
Related Content
-
FEATURED ARTIST: Jessie J.
July 20, 2015
-
Music Hero: Ang bandang dapat tutukan
September 7, 2018
-
FEATURED ARTIST: ‘Perfectly Imperfect’ Sarah Geronimo
November 17, 2014
Comments