Kapag ‘I Belong to the Zoo,’ laging mag-ready ng tissue
April 26, 2020
May mga hit songs siya katulad nung “Sana,” “Porter,” at “Balang Araw.” Ito marahil ‘yung mga kantang gusto natin marinig kapag ganitong may enhanced community quarantine, dahil nasa loob lamang tayo ng ating mga bahay. Mas okay to kapag umuulan, baka makagawa ka pa ng music video Bes!
Pero sino nga ba itong nasa likod ng mga kantang ito na patok na patok sa mga millennials ngayon?
Si Argee Guerrero, siya ‘yung artist behind “I Belong to the Zoo.” Siya lang naman ‘yung nagpapa-iyak sa’yo dahil sa mga kanta niya na may tema ng pag-ibig na relate na relate ka.
Sa isang interview, sinabi ni Guerrero na nagsimula siyang tumugtog at mag-perform noong pang 2002 at aminado siyang nahirapan siyang i-promote ang sarili niya.
“I Belong to the Zoo came about around 2014. I wrote a couple of songs about feelings that I could not share even to my closest friends. My initial plan was to just release anonymous songs as a form of an outlet for such feelings/events. I Belong to the Zoo yung name kasi madami akong insecurities siguro dahil narin sa mga nangaasar sakin. So in a way, parang inuunahan ko na yung mga haters or manglalait sakin na sana pakinggan na lang nila yung music sincerely instead of judging ibttz by how they see me,” sabi ni Guerrero. Ganyan niya i-describe ‘yung pagsisimula niya.
Gusto ni Guerrero na maalala siya ng mga fans sa pamamagitan ng pagsulat niya ng mga kantang may katapatan, honest songs kung tawagin niya ito. Dahil ‘yung mga kantang isinusulat niya ay galling daw lagi sa kanyang mga experience. Sabi pa niya, kung sino man sa mga tao ang nangangarap maging music artist, just keep on practicing and writing songs, and be humble daw para laging masaya ang buhay.
Isa na rin siguro sa mga exciting na projects ng I Belong to the Zoo ngayon ay ‘yung collaboration niya kay Moira dela Torre bilang part nung “Patawad, Paalam” trilogy nito. Ang bahagi ng trilogy na part ang I Belong to the Zoo ay released pa noong June 14, 2019. At sa sabi na rin ng mga fans, whenever you listen to the song, ihanda mo raw ang tissue dahil ito raw ay heartbreaking.
Mayroon din itong madamdaming music video na starring sina JM de Guzman at Anna Luna.
Kinuha ‘yung inspiration sa mga bagay na malapit sa atin at ‘yung pagpapakita kung paano i-handle ng mga tao ang pag-ibig at ang sakit na pwedeng idulot nito. Ipinapakita lamang sa atin nung trilogy na ginawa ni Moira, “Paalam, Patawad,” ‘yung katotohanan na vulnerable talaga, alanganin talaga kapag usapang pag-ibig.
Maaari niyong i-follow ang I Belong to the Zoo sa kanyang mga social media accounts @ibelongtothezoo .
Related Content
-
Pinoy and Korean at heart ang SB19
June 12, 2020
-
Know the story behind ‘Limasawa Street’
August 5, 2019
-
Kiligin sa bagong awitin ni Christian Bautista
May 3, 2019
Comments