FEATURED ARTIST: RICO BLANCO
October 26, 2016
Liwanag sa Dilim.
Antukin.
You’ll Be Safe Here.
Your Universe.
Ilan lamang ‘yan sa mga kilalang kanta ni Rico Blanco at marahil ay naging parte ng playlist mo. Nakisabay ka rin mula sa kanyang orihinal na banda na Rivermaya kung saan siya ay isang founding member hanggang siya ay naging solo artist noong 2008.
Sa ngayon, mayroon na siyang pangatlong album na pinamagatang “Dating Gawi” sa ilalim ng Universal Records.
Ang “Dating Gawi” ay mayroong eight original tracks. Ilan lamang sa mga tracks na ito ay ang mga kantang Wag Mong Aminin, Sorry Naman, at Umuwi Ka Na.
Ang favorite song niya mula sa kanyang album ay ang kantang Sorry Naman kung saan ito ay patungkol sa isang nasirang pagkakaibigan dahil nagkaroon ng feelings ang isang miyembro nito.
“Ang sabi niya sa sarili niya ay hindi na niya titingnan ‘yung Facebook niya, ‘yung IG niya, pero nagsosorry siya kasi bigla na lang umikot ang kanyang mundo sa kaibigan niya na mahal na pala niya.” – Dagdag ni Rico patungkol sa istorya ng Sorry Naman.
Ayon sa kanya, sinikap niyang tapusin at isulat ang lahat ng kanta sa loob ng dalawang linggo. Dagdag pa niya, gusto na rin niyang bumalik sa simpleng tugtugan na malayo sa mga nauna niyang mga album na experimental at out of this world.
Nakipagcollaborate si Rico sa ibang OPM band members tulad nina Raymond Marasigan at Buddy Zabala ng Eraserheads at si Roll Martinez ng Hale.
Dagdag pa niya, “Nagkulong kami sa basement ni Raymond (Marasigan) tapos nagjamming kami. After nun, nabuo na namin ‘yung album.”
Mapapakinggan ang “Dating Gawi” sa Spotify, Deezer, iTunes, Spinnr, at Amazon. Mabibili rin ang kanyang album sa iba’t-ibang leading record stores nationwide.
Nakipagkulitan din si Rico kay Raqi Terra sa kanyang pagbisita sa 101.1 Yes The Best. Narito ang ilan sa mga highlights ng kanilang Fast Talk at Interview:
Nagmahal, nasaktan, _____?
Nagsoundtrip.
Kulang ako kapag____?
Wala ka.
Iniyakan ko si___?
siLANG lahat.
Short or tall?
Short. Gusto ko ng underdog eh. Haha.
Pixie cut or long hair?
Pixie cut.
Maputi or Morena?
Morena.
Chinita or bilugan ang mga mata?
Chinita.
Lights on or lights off?
Lights on.
Paano manligaw ang isang Rico Blanco?
Gusto ko maging kaibigan muna ‘yung tao. Para alam ko talaga ‘yung trip niya at hindi niya trip.
Paano mo malalaman kapag nakamove on na ang isang tao?
Kapag hindi na niya iniisip ang pagmumove on. Kasi kapag sinasabi o minemention pa niya ‘yun, hindi pa’ yan nakakamove on.
Panoorin ang LIVE na kulitan sa:
LIVE: Lunchtime kulitan with the one and only, Rico Blanco 😍💙👊🏼!
Posted by Yes The Best Manila on Monday, October 24, 2016
Related Content
-
Muling kiligin sa mga awitin ni Rick Price
February 15, 2019
-
Featured Artist: Angeline Quinto
August 10, 2018
-
FEATURED ARTIST: Madonna
February 26, 2016
Comments