FEATURED ARTIST: Enchong Dee
November 16, 2014
Mula sa pagiging isang champion swimmer, youth achiever, award-winning actor at heartthrob, ngayon ay unti-unti na ngang natutupad ang isa sa mga pangarap ni Ernest Lorenzo Velasquez Dee – o mas kilala bilang si Enchong Dee – at ito ay ang maging isang recoding artist.
Narito ang ilang ekslusibong tanong ni Lala Banderas kay Enchong Dee:
Lala Banderas: Paano mo nasabi sa sarili mo na “this time I’ll sing”?
Enchong: Grabe sobrang pangarap ko ‘to. Dati pa. Bata pa lang ako. Bago [pa ko] pumasok ng showbiz. Alam ko gusto ko lang kumanta. Gusto ko lang mag-perform sa lahat ng kaibigan ko. Ganun lang.
Hanggang sa two years ago, ginive-up ko na yung pangarap na magka-album kasi parang wala namang nagtatanong. Sabi ko, ‘hmm di bale na nga lang.’
Hanggang sa nangyari this year, sabi ko nung may nag-tanong ‘gusto mo ba magka-album’? Sabi ko ‘YES!!!’
Lala Banderas: Ito bang Chinito Problems ay nag-ugat kasi ikaw yung man behind the video with Yeng Constantino?
Enchong: Tama, ka! Tama ka.
Kaya nung one time nagre-recording ako tapos nakasabay ko si Yeng sa recording studio…nagkasabay kami, pinuntahan ko siya dun sa studio sabi ko ‘I just wanna say thank you kasi ikaw yung isa sa mga tao na binigyan ako ng oportunidad para makagawa ng Chinito Problems hanggang sa nanganak na nga, na naging album na.
Lala Banderas: May mga sinulat ka bang kanta sa self-titled album mo?
Enchong: Dun sa buong album, meron akong sinulat which is yung ‘Isip O Puso’
Lala Banderas: Kung ikaw ang papipiliin, isip o puso?
Enchong: Kailangan ‘pag nagmahal ka kasi puso e. Pero siyempre kailangan din ng isip, kasi ‘di ba at one point kailangan mo rin talaga gamitin yung isip mo kapag niloloko ka na.
Lala Banderas: Ilang tracks mayroon sa album ni Enchong?
Enchong: Meron kaming five (5) songs; apat na original, isang revival which is yung ‘Step No Step Yes.’ And meron kaming four bonus tracks.
Ang mensahe ni Enchong sa kaniyang fans:
Basta sabi ko dun sa acknowledgement ko dun sa album, basta may pangarap kayo ‘wag niyong bibitawan kasi may isa or dalawang tao na lalapit sa inyo at bibigyan kayo ng oportunidad para magawa ‘yon. Never give up, it will happen.
Related Content
-
Kapag ‘I Belong to the Zoo,’ laging mag-ready ng tissue
April 26, 2020
-
Ang handog ng cast ng All Out of Love the Musical
October 12, 2018
-
The Bloomfields and their ‘best album, yet!’
July 2, 2019
Comments