ON-AIR NOW:

Ang ultimate glow-up ng “Queen of Hugot” na si Moira Dela Torre

November 28, 2022

Moira Dela Torre

Kung tatanungin natin ang Bes nating Millennials kung sino sa mga sikat na singer ang may kakayahang dumurog sa kanilang mga puso at yakapin ang buo nilang pagkatao, siguradong mangunguna ang Filipino singer-songwriter na si Moira Dela Torre sa listahan.

Huwag kang padadala sa mala-anghel niyang mukha. Mula sa catchy melodies at earnest lyrics hanggang sa honesty at genuine emotions niya sa pagkanta, mamimili ka na lang kung ngingiti ka ba o iiyak ka!

Lumaki sa pamilya ng mga musikero si Moira kaya’t mabilis niyang natutunan ang songwriting at arrangement. Sa katunayan, naisulat niya ang kanyang unang kantang pinamagatang, “After Your Heart,” sa edad lamang na 12.

Bago sumali sa first season ng The Voice Philippines, naging voice artist siya para sa corporate jingles at theme songs. Ilan sa mga ito ay para sa isang detergent brand, infant’s shampoo, at fast-food chain.

Sa pagmamahal niya sa musika at background sa pagsulat ng kanta, siguradong big break ang naghihintay sa kanya. Kasunod ng pagsali niya sa singing competition, inilabas niya ang kanyang unang single na “Love Me Instead,” sa pamamagitan ng kanyang debut self-titled EP album.

Pero ang single niyang “Malaya,” at cover ng “Torete,” ang naghatid sa kanya sa kasikatan. Ito ang official soundtracks ng romantic films na Camp Sawi at Love You To The Stars And Back.

Mula noon, nag-iwan na si Moira ng marka sa music consciousness ng masa. Noong 2017, ang interpretasyon niya sa  kantang “Titibo-tibo” ang nanalo sa Himig Handog 2017 — ang pinakamalaking Filipino songwriting competition na inorganisa ng ABS-CBN at Star Records.

Higit na mas malaking taon para sa kanya ang 2018 dahil matagumpay niyang idinaos ang kanyang unang major solo concert, naging Spotify’s No. 1 Most Streamed Artist sa Pilipinas, at naging certified 8x Platinum ang kanyang Malaya album na may higit sa 120, 000 kopyang naibenta.

Sa taon ding ito siya na-engage sa best friend niyang si Jason Marvin Hernandez na na-feature sa official music video ng “Tagpuan.”

Ikinasal sila nang sumunod na taon. Gumawa pa si Moira ng isang wedding song kasama si Hernandez na tinatawag na, “Ikaw at Ako.”

Naging judge din siya sa Idol Philippines, at noong Setyembre ng taong 2019, ginanap niya ang kanyang ikalawang major concert na pinamagatang Braver.

Ang ikalawa niyang studio album na “Patawad,” ay inilabas noong March 2021, kung saan kasama ang mga hit na single na “Mabagal” tampok si Daniel Padilla, “Patawad, Paalam,” at “Paalam” tampok ang Ben&Ben. Sa mahigit 15,000 kopyang naibenta, ang album ay naging certified Platinum sa bansa.

Abril naman ng taong ito nang magsimulang kumalat ang mga usap-usapang hiwalay na umano si Moira sa asawa matapos lamang ang tatlong taong kasal. Pagkalipas ng ilang linggo, pareho nilang kinumpirma ang balita.

Ngunit ngayon, pagkatapos ng ilang buwang pananahimik, pagninilay, at pag-diskubre muli sa sarili, nagbabalik si Moira Dela Torre bilang pinakabagong artist sa ilalim ng Republic Records, isang division ng Universal Music Group, Inc., upang mas makilala sa buong mundo.

Inilarawan ni Moira ang bagong kabanatang ito bilang “season of independence,” dala-dala ang kanyang musika sa proseso. “I expected this season to be heavy, but God has a way of turning things around. And I’m just thankful that of all the things that were taken away from my life, my listeners were not one of them and they have really shown me how strong their support and love is and I’ll always be thankful for that,” sabi niya sa isang interview.

Isang araw bago ang kanyang welcome party, inilabas niya ang pinakabagong niyang single na “Aking Habangbuhay,” para sa pelikulang An Inconvenient Love. Sinabi ni Moira na ang love song na ito ay tungkol sa “hope and calm, and finding that person who gives you peace.”

Abangan ang Queen of Hugot sa pagsisimula ng kanyang unang world tour sa Araneta Coliseum sa February 3, 2023. Mabibili ang tickets sa Ticketnet Online! Takits, Bes!

Moira Dela Torre

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use