Ang patikim ng Gracenote para sa kanilang upcoming album
September 21, 2018
Isa sa mga banda na talaga namang naririnig sa mga iba’t ibang stations, sa charts, at pati sa gigs ay ang bandang Gracenote.
Nakilala ang bandang Gracenote sa mga awitin tulad ng “Pwede Ako,” “When I Dream About You,” “Bakit Ganyan Ka,” at marami pang iba.
Tulad ng ibang mga bandang sikat ngayon, ang Gracenote ay nagsimula rin sa pagsalisali sa band competitions at pagkakaroon ng malilit na gigs. Nagkakilala ang band members ng Gracenote sa St. Scholastica’s College Manila.
Binubuo nila Eunice Jorge (main vocalist, pianist, at violinist), Jazz Jorge (bass), EJ Pichay (drums), and Tatsi Jamnague (guitars).
Kasalukuyang pinopromote ng Gracenote and kanilang bagong single na “Here We Go Again” na under ng Warner Music.
Ayon sa Gracenote, ito ay patikim na sa kanilang pangatlong album.
Related Content
-
FEATURED ARTIST: ‘Perfectly Imperfect’ Sarah Geronimo
November 17, 2014
-
FEATURED ARTIST: JENNYLYN MERCADO
September 30, 2016
-
Muling ma-in love sa Moffatts at sa kanilang bagong single na ‘So in Love’
November 30, 2018
Comments