Top 15 finalists ng MSFF, pinangalanan na!
August 3, 2021
Bes! Alam niyo na ba ang latest ganap? Well, Umupo ka na diyan dahil we are about to spill our latest tea! HAHAHAHAHA!
Kung maaalala niyo, ang Manila Broadcasting Company ay nag-launch kamakailan ng kauna-unahang short film festival. At nitong nakaraang July 30, ipinakilala na sa “The Big Reveal” Facebook Live sa Facebook page ng DZRH ang labinlimang finalists para sa kauna-unahang MBC Short Film Festival.
Ang top 15 finalists ay binubuo ng limang entries kada isang category: Animation, Short Feature at Documentary. Excited na ka ba? Aba! Hindi na namin kayo bibitinin pa, mga Bes! Heto na nga ang ating labinlimang finalists!
Documentary: “Mga Batang Anipa,” “Ang Meron Sa Wala,” “Diva, Divine?” “Maglabay Ra In Sakit” and “Titser Gennie”
Short Feature: “Judy Free,” “The Slums,” “Tarang,” “Excuse me Miss, Miss, Miss” and “Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert”
Animation: “Ana,” “Distance,” “Home,” “Last Piece” and “Stay”
Siguradong nahirapan ang judges nating sina Sari Dalena, Treb Monteras, Aureus Solito, Ditsi Carolino, Seymour B. Sanchez, Collis Davis, Benedict Carandang, Teddy O. Co and Adrian Arcega sa pag-pili ng magiging top 15 finalist natin! Feeling namin, medyo sumakit ang ulo ng mga ‘to! HAHAHAHAHA!
Panoorin mo na ang official trailer ng mga pelikulang ito sa website ng DZRH at i-share mo na sa amin ang mga napupusuan mong pelikula!
Ang full films ng labinlimang entries ay ipo-post na mula August 16 onwards, kung kailan mag-uumpisa rin ang botohan para sa Fan Favorites! Bes, support to the max ang ibigay mo sa bet mong pelikula dahil pwede kang bumoto araw-araw hanggang August 25!
Alam niyo ba na ang 15 finalists natin, sureball nang makakapag-uwi ng P15,000! Pagdating naman sa final round, back-to-zero na ang scoring sa mga kalahok at magkakaroon tayo ng panibagong hanay ng mga batikang hurado para pumili ng tatlong category winners na makakatanggap naman ng P75,000! Grabe na this!
But wait, there’s more! Dahil ang tatlong category winners na ito ay maglalaban-laban para sa Grand Prix na may kabuuang premyo na P165,000! Hmmmm, ilang samgyup at milk tea kaya ‘yon? HAHAHAHAHA!
Bes, i-clear mo na ang busy schedule mo para mag-kitakits tayo sa August 28, 7PM dahil magkakaalaman na kung sino-sino sa ating finalists ang magwawagi! Mapapanood ang announcement ng winners via live stream sa social media pages ng lahat MBC Stations – DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, Radyo Natin, at DZRH TV.
Ang MBC Short Film Festival ay hatid sa inyo ng Manila Broadcasting Company para sa ika-82 taon ng kanilang flagship station. Talaga nga namang walang sawa ang serbisyong binibigay ng DZRH na kasama nating magmatyag sa kasaysayan ng bansa, at magbunyi sa bawat tagumpay na ating tinatamasa – lalong lalo na sa ating pagbangon sa panahon ng pandemya.
Kaya ano pang hinihintay mo? Save the dates at magtawag ka na ng makakasama para makapag-MSFF and chill na kayo ng mga bes mo!


Comments