ON-AIR NOW:

Top 12 finalists ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021, nagtagisan ng galing sa Talents and Skills Competition

September 23, 2021

Tagisan ng galing ang nangibabaw sa Talents at Skills Competition ng Top 12 finalists sa pagpapatuloy ng Aliwan Fiesta Digital Queen competitions nitong September 18.

Bitbit pa rin ng mga kandidata sa Talent and Skills competition ang ilan sa mga ipinagmamalaki ng kanilang mga lugar pati na rin ang talent nila sa fine arts at sa performing arts.

Painting, pagkanta, pagtugtog, at pagsayaw ang naging hatid ng mga kandidata mula sa Luzon.

May itinatago pala na talent sa pagkanta ang pride ng Echague, Isabela na si Keith Arboleda. Inabot niya ang mga matataas na nota na mayroon ang kantang ‘Never Enough’ ni Loren Allred. Ang kandidata mula sa San Manuel, Isabela na si Vjie Matias ay nangharana mula sa mga scenic places sa kanilang bayan. Kinanta niya ang ‘Ako Naman Muna’ ni Angela Ken habang tumutugtog ng gitara.

Nagpakitang gilas naman sa visual arts ang unang kandidata. Para bigyan ng pag-asa ang mga nanood, pininta ni Angelie Gabrielle Estrada ng Puerto Princesa City ang ‘Spring in Darkness’ na painting. Ang simbolo umano ng canvas ay ang mga challenges na hinaharap ng mga tao kaya naman mayroong maliit na seedling plant na namumunga sa isang kamay. Mga folk dance naman sa kanyang probinsya ang naging performance ni Chynna Kaye Verosil ng Pangasinan. Sinayaw niya ang ‘Oasioas,’ ‘Binasuan,’ at ‘Binoyugan.’

Naglalagablab na performance, cultural dance, fine arts at martial arts ang banat ng mga kandidata sa Visayas.

Dahil proud siya sa kanilang cultural heritage, ‘Singkil’ naman ang naging performance ni Shanyl Kayle Hofer of Minglanilla, Cebu. Makikita siyang sumasayaw sa apat na mga kawayan habang suot ang dilaw at pula na cultural attire. Painting din na may kasamang spoken word poetry ang ipinakita ni Coleen Beatrix Alcarde ng Iloilo City. tinawag niya itong ‘An Open Letter to COVID-19.’ “Is this really happening? Instead of joy, you gave us fear where future seems unclear… Set us free!” Sabi niya.

Mula sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan, naglalagablab naman ang naging performance ni Shealtel Kyle Cahilig kung saan siya ay nag-fire dance sa tugtog ng ‘World, Hold On’ ni Bob Sinclar. Pinakita naman ni Cherry May Regalado ng Kalibo, Aklan kung bakit sya tinawag na ‘Queen of Blades’ kung saan ipinakita niya ang kanyang world-class ‘Pencak Silat’ routine.

Ang mga kandidata sa Mindanao ay nagpamalas naman ng talent sa musical instrument at folk dances.

Ang pride ng Zamboanga City na si Sharmaine dela Cruz ay nagsayaw ng ‘Zamboanga Folk Dance’ at ‘Yakan Traditional Dance’ sa tugtog ng ‘Princesita Zamboangueña,’ ‘Chavacano,’ at ‘Yakan Pansak.’ Mula sa Iligan City, naging cultural din ang tema ng performance ni Jeramie Mingo na Maranaos’ ‘kini-kini,’ ‘kapamalong-malong,’ kapang-apir,’ at ‘Singkil’ folk dances. Kahanga-hanga rin si Mingo dahil sa pagsayaw nito sa mga kawayan nang naka-piring ang mga mata. Sayaw din ang ipinamalas ni Krysti Ann Villarias ng Cabadbaran, Agusan del Norte. Local style ng ‘Singkil’ na folk dance mula sa mga Maranao ng Lake Lanao ang kanyang performance.

Pagtugtog naman ng musical instrument na saxophone ang ipinakitang talent ni Jayvee Lyn Lorejo ng Mawab, Davao de Oro. Tinugtog niya ang ‘Killing Me Softly with His Song’ ng Fugees, ‘The Way You Look Tonight’ ni Michael Bublé, at ‘Binibini’ ni Zack Tabudlo.

Ang lahat ng competition legs pati na rin ang coronation night ay mapapanood sa DZRH TV, kasama na ang lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH News, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Radyo Natin, at Aksyon Radyo.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, Charm fabric conditioner, White Rose Papaya whitening soap, TNT, Palmolive Naturals Ultra Smooth, Shopee at Alfonso Light Brandy.

Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use