SM Supermalls nagbukas ng SM StartUp Markets sa buong bansa
December 22, 2021
Kamakailan lamang ay binuksan ng SM Supermalls ang kanilang pinto para sa mga small at medium enterprises sa buong bansa.
Inanunsyo ng SM Supermalls President na si Steven T. Tan na magbubukas sila ng walong shops sa ilalim ng SM StartUp Package sa SM Megamall. Ayon sa kanya, From Clark and Pampanga to Cagayan De Oro and Davao, we will be seeing new concepts and fresh products in 13 SM malls under various categories by January.”
Ang walong MSME owners na napili para sa SM Megamall StartUp Marker ay ang Kurimu, isang Japanese-inspired premium handcrafted ice cream brand; The Truffle Peddler, ang maker ng artisanal chocolate products from Philippine cacao; Ronin Asia, isang Japanese aburi maki specialty kitchen; Isaw to Go, sila ay nago-offer ng frozen vacuum-sealed street food mula pa sa Bulacan; AC-San, isang one-stop shop ng gold-plated at stainless steel jewelry; Alta Skincare Whitening System, isang clinically-tested whitening products; Kahel Shirts, na naso-source ng kanilang fabrics locally at ang True na creator ng natural, clean, at hypoallergenic products para sa mga baby at may sensitive na balat.
Ang lahat ng Micro, Small and Medium Enterprises Development o MSME ay may humble beginnings. Sinimulan nila ang kani-kanilang business upang makatulong sa kanilang pamilya. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng social media para ipromote ang kanilang ventures at ngayon dahil sa tulong ng SM Supermalls, sila ay nabigyan ng opportunity para ma-push pa lalo at mag-grow pa ang kanilang businesses. Sab inga ng may-ari ng Truffle Peddler, “Now, we’re not only on social media, we’re also physically and visibly seen by a lot more people, so it’s really taken our business to the next level.”
Pangako ng SM Supermalls na mas marami pang MSMEs ang kanilang ise-serve sa iba’t ibang mall tulad ng fresh products, health and wellness, home hobbies, gadgets at marami pang iba.
Ang mga MSME na magiging bahagi ng SM StartUp Market list ay mabibigyan ng assistance sa opening ng kanilang first brick-and-mortar shops. Ang package na ito ay may friendly rental rentas at libreng gamit ng kiosks or karts. May marketing assistance rin sa brand para may free exposure sila sa SM online assets at ad spaces sa loob ng mall. Bukod dito ay may financial assistance rin mula sa BDO at membership sa SM experts sa operations at marketing.
Kaisa ng bawat Bes nating online seller and SM Supermalls sa pag-recover sa pandemyang ito.
Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa SM StartUp Market, bisitahin lamang ang www.smsupermalls.com at i-follow @smsupermalls on all social media platforms.
Kaisa ng bawat Bes nating online seller and SM Supermalls sa pag-recover sa pandemyang ito.
Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa SM StartUp Market, bisitahin lamang ang www.smsupermalls.com at i-follow @smsupermalls on all social media platforms.
Related Content
-
Muling Nagbabalik ang MBC Short Film Festival!
February 23, 2022
-
Manood at manalo sa Pa-Buenas sa Bagong Taon 2022!
January 11, 2022
-
Nag-bukas ang SM ng pinto para sa donations at shelter para sa mga nasalanta ng bagyong Odette
December 30, 2021
Comments