How to shoot your audition video for Aliwan Fiesta Digital Queen 2021
July 23, 2021
Bes, ikaw na ba ang susunod na Aliwan Fiesta Digital Queen?
Simulan mo ang iyong journey sa pamamagitan ng isang audition video. Bibigyan ka ng guide ni Jannarie Zarzoso para sa pagbuo ng iyong audition video!
1. Introduction
Magsimula ka sa pagpapakilala ng iyong sarili. Banggitin ang iyong pangalan, edad, ang lugar na iyong nirerepresent at magsabi ng ilang bagay tungkol sa sarili mo.
2. Advocacy or cause
Susunod, i-share ang iyong advocacy or cause na sinusportahan
3. In casual attire
Rumampa in your casual attire! Pak!
4. In evening gown
Ilabas at rumampa sa iyong shining shimmering gown! Palaban yarn?
5. Talent or skill
Ipakita ang malupit mong talent or skill.
Panoorin ang audition video ni Jannarie Zarzoso:
Sa pag-submit ng iyong audition video, tandaan ang ilang requirements:
• Ang iyong audition video ay dapat tumagal lamang ng tatlong (3) minuto na nilalaman na ang introduction, advocacy or cause, in casual attire, in evening gown, and talent or skill.
• Dapat ang iyong video ay well-lit at mayroon ding good audio quality.
• Ang video ay dapat na MP4 format at 16:9 in 720 or 1080 resolution.
• Ang paggamit ng mga filter at color grading ay hindi pinapayagan.
• Dapat isa-submit ang audition video na ito sa isang video file lamang.
Papahuli ka pa ba, Bes? I-shoot mo na ang iyong audition video at mag-register ka na sa Aliwan Fiesta Digital Queen 2021!
Related Content
-
MBC Short Film Festival, muling ipalalabas ang mga winning entry mula sa MSFF2021
June 8, 2022
-
Muling Nagbabalik ang MBC Short Film Festival!
February 23, 2022
-
Manood at manalo sa Pa-Buenas sa Bagong Taon 2022!
January 11, 2022
Comments