ON-AIR NOW:

Pride of Minglanilla na si Shanyl Kayle Hofer, kinoronahang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021

October 14, 2021

Matapos ang apat na linggo ng iba’t ibang competitions, ang Pride of Place, Talents and Skills, Queens for a Cause, at Evening Gown competition and Q&A, narating na ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021 ang culmination event nitong October 9, Sabado.

Ang pride ng Minglanilla, Cebu na si Shanyl Kayle Hofer ang kinoronahan bilang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021.

Sa kanyang pagkapanalo bilang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021, tumanggap si Shanyl ng korona, sash at ang PhP 50,000, kung saan ang kaparehong halaga ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang Cebu Market Vendors Multi-Purpose Cooperative sa kanilang bayan. Wagi din si Shanyl ng all-expense paid vacation sa Boracay hatid ng Feliz Hotel Boracay kasama na ang breakfasts, roundtrip airfare, and pocket money.

Bukod sa titulo, wagi din si Shanyl ng Best in Evening Gown hatid ng Alfonso Light Brandy. Tumanggap siya ng karagdagang PhP 5,000 para sa award.

Panalo naman bilang first runner-up si Vjie Matias ng San Manuel, Isabela. Tumanggap siya ng PhP 25,000, kung saan ang parehong halaga ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang ‘Isabelaban.’ Tumanggap din siya ng karagdagang PhP 5,000 para sa Pride of Place Citation.

Wagi naman bilang second runner-up ang pride ng Pangasinan na si Chynna Kaye Verosil. Tumanggap siya ng PhP 15,000, kung saan ang parehong halaga ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang ‘Go Bike Project.’

Nag-uwi ng tatlong special awards ang ‘Silat Princess’ na si Cherry May Regalado mula sa Kalibo, Aklan. Wagi siya ng Netizen’s Choice Award matapos makakuha ng pinakamaraming boto sa DZRH.COM.PH/AFDQ. Siya rin ang nanalo ng Best in Talent Award dahil sa kanyang world class Pencak Silat routine. Inuwi din ni Cherry Mae ang Best Digital Video Production dahil sa consistency at mahusay na production ng kanyang Pride of Place, Talent and Skills, and Queens for Cause videos. Tumanggap siya ng PhP 25,000 para sa mga nasabing awards.

Si Angeli Gabrielle Therese Estrada ng Puerto Princesa City ay nag-uwi naman ng dalawang special awards. Wagi siya ng TNT #NasaSayaYan Award at tumanggap ng PhP 5,000. Kinilala rin siya bilang Miss White Rose Papaya at tumanggap ng karagdagang PhP 15,000.

Nanalo ng Palmolive Naturals #GandangNatural Award si Krysti Ann Villarias ng Cabadbaran City, Agusan del Norte at tumanggap ng PhP 15,000. Si Sharmaine Dela Cruz ng Zamboanga City naman ang wagi ng Miss Charm Award at tumanggap siya ng PhP 15,000. Kinilala naman bilang Miss Unique Smile si Keith Arboleda mula Echague, Isabela at tumanggap siya ng PhP 15,000.

Ang ibang mga kandidata ay tumanggap ng tig- PhP 10,000 bilang consolation prizes.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, TNT, Palmolive Naturals Ultra Smooth, Shopee, at Alfonso Light Brandy.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use