ON-AIR NOW:

Paghahanap sa kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen, simula na!

July 31, 2020

Opisyal nang binuksan ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang kauna-unahang search for Aliwan Fiesta Digital Queen ngayong 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Lumabas ang idea ng digital at online pageant nang hindi naisagawa ang taunang Aliwan Fiesta dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Metro Manila. Kaya naman kahit may lockdown pa rin, pursigido ang MBC na ituloy ang paghanap sa mga nagagandahang binibini online.

Ang aspirant na maging digital queen ay dapat 16 to 28 years old, pinanganak na babae at siyempre mayroong pleasing personality. Dapat nauunawaan niya rin ang kultura at tradisyon ng lugar na nire-reperesent niya. Maaring Mabasa at ma-download ang registration form, ang full mechanics, terms and conditions, pati na rin ang sample audition video sa Facebook page ng Aliwan Fiesta.

29 na candidates and pipiliin ng mga designated lead station bilang mga semi-finalists. Siyam na candidates naman ang pipiliin ng MBC executive committee na tatanghaling finalists.

Pagdating naman ng September ay sasalang na sa segments ng Launch and Pride of Place, Talent Show, Modelling Competition at Q&A portion. Sa first week naman ng October gaganapin ang Coronation Night.

Ang top 3 winners ay tatanggap ng P100,000, P50,000, at P30,000. Ang kalahati ng kanilang mapapanalunan ay mapupunta sa mapipili nilang charity. Maliban sa koronang Aliwan Fiesta Digital Queen, may chance din silang manalo ng iba’t ibang special awards.

Ang lahat ng mga nabanggit na segment ay mapapanood sa DZRH News Television at sa social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin.

For more updates, maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use