aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

ON-AIR NOW:

OPM artists, magsasama-sama sa Fusion Freedom Philippine Music Festival

March 1, 2023

Fusion

Sa wakas! Dumating na ang pinakahihintay natin, mga Bes! Matapos ang ilang taong paghihigpit dahil sa COVID-19, muli nating mararanasan ang pagdalo sa live concert at music festival!

Nitong Miyerkules, March 1, opisyal nang inanunsyo ng experiential agency na Praxis ang pagbabalik ng pinakamalaking OPM Music Festival sa bansa. Sa temang, ‘Freedom,’ ang Fusion ay pagdiriwang ng ika-125 taon ng kalayaan, pagbangon ng ekonomiya, at muling pagtuklas ng ating pagkakakilanlan.

Ang press conference na ito ay dinaluhan ng ilang media partners, advertisers, at kliyente. Nagtanghal din sa nasabing launch sina Rob Deniel, Mariel Belleza, at electro pop rock band na Gracenote.

Fusion

“We believe that music has the power to break down barriers and bring people together and that’s precisely what Fusion aims to do,” paliwanag ng Praxis CEO & Founder na si Gladys Basinilo.

Nakatakdang ganapin ang Fusion sa May 27 sa SMDC Festival Grounds. Tampok dito ang iba’t ibang hanay ng musikero, mula sa rising stars hanggang sa most sought-after artists ngayon tulad ng 6Cyclemind, Adie, Al James, Arthur Nery, Bamboo, Ben&Ben, Gloc-9, Gracenote, Hey June!, Lola Amour, Morissette Amon, Shanti Dope, at marami pang top-caliber OPM icons.

Fusion

Bukod sa musika, inaasahan ang maraming food and beverage options, merchandise booths, at activities.

Bago ang event day, magkakaroon din ng Fusion School Tour at Interuniversity band competition mula March hanggang May. Ito ay para bumuo ng student unit na tinatawag na ‘Fusion Squad’ na tutulong sa pagsasagawa ng music festival. Sa kabilang banda, ang mananalong student band ay may pagkakataong haranahin ang mga manonood ng Fusion.

Bukod dito, ipararanas din ang Fusion experience sa mga pangunahing lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Mag-pe-perform ang Fusion talents kasama ang regional musicians. Kabilang dito ang University of Baguio sa April 14, SM Cebu sa April 28, at SM Davao sa May 12.

Mabibili ang tickets mula March 27 sa SM Tickets sa halagang Php 1000 para sa General Admission, Php 3, 500 para sa VIP, at Php 7,000 para sa Moshpit.

Ang 101.1 Yes! The Best Manila ay media partner ng The Philippine Music Festival: Fusion Freedom.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use