Nag-bukas ang SM ng pinto para sa donations at shelter para sa mga nasalanta ng bagyong Odette
December 30, 2021
Nagbukas kamakailan ang SM Foundation, Inc. sa pamamagitan ng kanilang Operation Tulong Express program, ang programa na kung saan nagbibigay sila ng tulong tulad ng pagbibigay ng basic needs tuwing panahon ng sakuna. Nagbibigay sila ng care at relief packs na may bigas, bottled water, at iba pang essentials sa mahigit kumulang na 5,000 na pamilya sa Butuan (Agusan del Norte), Cebu, Cagayan de Oro, at Iloilo.
Ang mga SM mall sa Cebu, Cagayan de Oro, Butuan and Puerto Princesa ay nagbigay ng pansamantalang kanlungan para sa mga nasalanta at naapektuhan ng bagyong Odette. Mayroong libreng Wi-Fi, charging stations, drinking water, light snacks, libreng overnight parking, at help desks na handang tumulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.
“Our malls always serve as temporary shelter during critical times to serve our communities’ needs. We are always ready to help those most vulnerable in the affected disaster areas and deploy our Operation Tulong Express outreach program immediately,” aniya ng SM Supermalls President Steven T. Tan.
Bukas ang 86 na SM malls nationwide upang tanggapin ang kahit na anong donasyon sa kumunidad na apekatado ng bagyong Odette. Kabilang din dito ang walong (8) SMDC malls.
Para sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong, mayroong tatlong paraan na hinanda ang SM – sa pamamagitan ng cash donation boxes na makiktia sa SM Cares Bears of Joy booths sa bawat mall entrances, may direct cash deposit din sa Philippine Red Cross (Account Name: PHILIPPINE RED CROSS; Banco De Oro – EDSA, Mandaluyong Branch; Account Number: 012928001854; SWIFT CODE: BNORPHMM) at puwede ring mag-scan ng QR codes. Lahat ng malilikom na donasyon ay mapupunta direkta sa Philippine Red Cross, ang partner ng SM Cares at ng SM Foundation, Inc.
Comments