Muling Nagbabalik ang MBC Short Film Festival!
February 23, 2022
Mga Bes, muling nagbabalik ang kauna-unahang digital film competition ng Manila Broadcasting Company, ang MSFF 2022. Ang competition na ito ay para sa professional at aspiring filmmakers ng bansa.
Kahit sino ay puwedeng sumali dahil puwede kang kumuha ng video using your mobile phone. ‘Yan, ‘yan, ‘yan, sa kaka-cellphone niyong ‘yan puwede na kayong mag-qualify! Basta dapat Bes, hindi lalampas ng 20 minutes ang iyong #YoungAndFresh na ideya na puwedeng documentary, animation or short film.
Dapat ay nagpapakita rin ng kabutihan sa puso ng mga tao ang topic ng iyong short film para happy happy lang ‘di ba?
Fifteen films ang pipiliin namin na makakapasok sa final competition. Siyempre tutulungan tayo diyan ng panel of judges na mula sa film industry. Ang pamimili ng mga makakapasok sa final competition ay mula July 15 – August 16, 2022, para naman mahaba ang magiging diskusyon ng ating mga hurado.
Lahat ng makakapasok sa final competition ay mayroon nang agad-agad na P20,000.00. Siyempre ‘yung mananalo per categories ay mag-uuwi ng P100,000.00. At hindi lang iyon, Bes! Mamimili pa ng Gran Prix winner mula sa tatlong nanalo para sa tsansang mag-uwi ng P100,000.00! Oh ‘di ba? Kaya kung may hugot ka sa buhay at may cellphone ka na may camera, puwedeng-puwede kang sumali rito!
Ang deadline for submission of entries ay sa May 20, 2022. Kaya marami ka pang oras para mag-isip ng idea mo, Bes!
For more questions, bisitahin mo lang ang www.mbcfilmfest.com or mag-email ka sa mbcfilmfest@manilabroadcasting.com.
Related Content
-
Manood at manalo sa Pa-Buenas sa Bagong Taon 2022!
January 11, 2022
-
Nag-bukas ang SM ng pinto para sa donations at shelter para sa mga nasalanta ng bagyong Odette
December 30, 2021
-
SM Supermalls nagbukas ng SM StartUp Markets sa buong bansa
December 22, 2021
Comments