ON-AIR NOW:

MBC, ni-reveal na ang Top 12 ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021

Sponsored Content

September 6, 2021

Bes, may bonggang revelation ang Manila Broadcasting Company (MBC) sa pagpapakilala nito ng Top 12 finalists ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021.

Representing Luzon, pasok na finalists sina Angeli Gabrielle Therese Estrada ng Puerto Princesa sa Palawan, si Chynna Kaye Verosil mula sa Pangasinan, at dalawa naman mula sa probinsya ng Isabela, sina Vjie Matias ng San Manuel at Keith Arboleda ng Echague.

Galing naman sa Visayas ay sina Shanyl Kayle Hofer mula sa Minglanilla, Cebu, Coleen Beatrix Alcarde ng Iloilo, at dalawa rin mula sa probinsya ng Aklan, sina Cherry May Regalado ng Kalibo at Shealtiel Kyze Cahilig ng Malay.

Mindanao pride naman sina Sharmaine de la Cruz ng Zamboanga, Jayvee Lyn Lorejo ng Mawab, Davao de Oro, Jeramie Mingo ng Iligan at Krysti Ann Villarias of Cabadbaran, Agusan del Norte.

Mukhang magiging gitgitan ang labanan ng mga kandidata sa kanilang weekly competitions na Pride of Place, Special Skills and Talent Show, Queens for a Cause, at ang Evening Gown Competition na mayroong Question-and-Answer portion. Magkakaroon din ng online poll para sa Netizens’ Choice na gagawin sa isang voting platform sa DZRH website.

Tumataginting na PhP 50,000.00 ang tatanggapin ng kokoronahang Aliwan Fiesta Digital Queen 2021, PhP 25,000.00 ang sa 1st Runner Up, at PhP 15,000.00 naman ang 2nd Runner Up. Ang tatlong winners ay magbibigay din ng tulong para sa kanilang chosen charities. Mayroon namang tig-PhP 10,000.00 na consolation prize ang iba pang finalists.

Ang lahat ng shows ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2021 ay mapapanood sa DZRH News Television, Channel 18 sa Cignal, Channel 129 sa Skycable, at Channel 3 sa Cablelink. Mapapanood din sa ang lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin.

Sa unti-unting transition ng mga tao sa virtual space, sinamantala na rin ang mga officials ng MBC na maglunsad ng iba’t ibang competitions sa pamamagitan ng mga digital platforms. Itong Aliwan Fiesta Digital Queen na title ay iba pa sa title na Reyna ng Aliwan na mananatiling parte ng Aliwan Fiesta na hindi muna isinasagawa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang coronation night at awarding ceremonies ay gaganapin sa October 9, 2021.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use