ON-AIR NOW:

Marikit Manaois ng Baguio City, wagi bilang Aliwan Fiesta Digital Queen 2022

November 8, 2022

Aliwan Fiesta Digital Queen

Nangibabaw ang Luzon sa Aliwan Fiesta Digital Queen ngayong taon! Kinilala ang top three winners mula sa Baguio City, Nueva Ecija, at Lalawigan ng Ilocos Norte.

Ang 25-anyos na si Marikit Manaois ang nanguna mula sa 11 pang mga kandidata sa Awarding and Coronation Night na ginanap noong Sabado, November 5. Ang secretary/financial executive ay nakatanggap ng ₱50,000, kung saan ang kaparehong halaga ay mapupunta sa kanyang napiling charitable program, ang JFGR Solid Waste Management and Solutions. Ginantimpalaan din siya ng all-expense paid vacation sa Boracay na may three-day two-night stay for two sa Feliz Hotel, kasama ang buffet breakfasts, roundtrip airfare, at pocket money.

Bukod sa major prizes, si Manaois din ang kinilalang Miss Charm at Palmolive Naturals #GandangNatural Awardee, na may katumbas na ₱10,000 each.

Sinundan siya ni Maica Martinez ng Nueva Ecija, na pinangalanang first runner-up at tumanggap ng ₱25,000 at kaparehong halaga para sa kanyang beneficiary, ang Magsasaka Bida sa Cabanatuan.

Hinakot din ng 28-year-old government employee ang Miss White Rose Papaya, Best in Pride of Place Citation, at Best in Talent awards na may kaakibat na ₱10,000 bawat isa.

Siya rin ang nagwagi sa Digital Video Production at Netizen’s Choice Award powered by DITO Telecommunity kung saan nakakuha siya ng tig-₱15,000.

Samantala, si Sophia Noreen Guillermo mula sa Lalawigan ng Ilocos Norte ang kinilalang second runner-up, na nakatanggap ng ₱15,000 at kaparehong halaga para sa kanyang napiling charity, ang Women’s Development of Dingras.

Pinarangalan din si Nikki Shannen Ortega ng Davao City bilang Miss Unique Smile, na tumanggap ng ₱10,000.

Sa kabilang banda, ang Celestial Beauty Gown ng Cebuana Jackelaine Fleming ang nagpanalo sa kanya sa Best in Evening Gown presented by Tanduay na may katumbas ding ₱10,000.

Wala pa ring talo sa kompetisyong ito dahil ang iba pang mga kandidata ay nagkamit ng ₱10,000 consolation prize at gift packs mula sa Palmolive Naturals, Tanduay, at ACS.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, DITO Telecommunity, Birch Tree, Tanduay, Palmolive Naturals Ultra.

Para sa karagdagang detalye, maaari mo ring i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use