ON-AIR NOW:

Malawakang paghahanap sa Aliwan Fiesta Digital Queen 2022

July 5, 2022

AFDQ

Dahil sa pandemya, isasagawa pa rin ng Manila Broadcasting Company ang paghahanap sa magandang dilag na kikilalaning Aliwan Fiesta Digital Queen 2022.   

Bes, naghahanap ang MBC ng isang dalagang kakatawan sa kagandahan ng isang makabagong Pilipina – may malayang pag-iisip at tiwala sa sarili habang pinagpapatuloy ang kanyang mga pangarap. May pagmamahal sa pamilya at tumutulong sa kapwa. At siyempre, may malalim na kaalaman sa kultura ng kanyang bayan.  Puwedeng-puwedeng sumali ang mga dalagang 16-28 anyos, Filipino citizen, ipinanganak na “biologically female,” may pleasing na personalidad, magaling magsalita, at may natatanging talento sa visual/performing arts, o kaya sa arts/crafts/disenyo, sa pagluluto, o kaya bilang atleta.    

Ikatlong taon na ng MBC ang paghahanap ng Aliwan Fiesta Digital Queen, matapos makuha nina Jannarie Zarzoso ng Agusan Del Norte at Shanyl Kayle Hofer ng Cebu ang korona. Ang titulong Aliwan Fiesta Digital Queen ay iba pa sa title na Reyna ng Aliwan, na mananatiling parte ng Aliwan Fiesta na hindi muna isinasagawa dahil sa COVID-19. 

Ang mga interesado ay maaring bumisita sa aliwanfiesta.com o sa official facebook page ng Aliwan Fiesta para sa ang kumpletong detalye kung paano sumali, kasama ng downloadable registration form at iba pang requirements ng kompetisyon.  Ika-17 ng agosto ang deadline sa pag-submit ng aplikasyon. 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use