ON-AIR NOW:

Lechon Manok and Barbecue Food Trip sa Tarlac kasama si AFDQ 2020 First Runner-up Jasmine Omay!

May 14, 2021

Bes, na-miss mo ba ang Tarlaqueña beauty na si Jasmine Omay? Pwes, she’s back with a new video and this time, dadalhin niya tayo sa sikat na restaurant sa Tarlac City, ang Victor’s Lechon Manok and Barbecue! Tara samahan natin si Jasmine na tikman ang mga ipinagmamalaki nito!

Bago ang lahat, naka-kwentuhan muna ng ating Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 First-runner up ang may-ari ng Victor’s Lechon Manok and Barbecue na si Ma’am Gladys. Ayon sa kanya, nag-umpisa raw ang Victor’s sa push cart lang hanggang sa ito ay lumago at nagkaroon na ng restaurant.

Kung hindi mo na naitatanong, Bes, sikat ang lechon manok at sisig ng Victor’s, pero ano nga ba ang pinagkaiba nito sa iba? Ang sabi ni Ma’am Gladys, ang sangkap, kanilang paraan ng pagluluto, at ang secret recipe nila ang lamang nila sa iba. Syempre, hindi na sinabi ng Bes natin ang secret recipe nila. Kaya nga secret, eh ‘di ba?

Tinikman ni Jasmine ang special sisig at ang pinagmamalaking lechon manok ng Victor’s. Bukod sa kumain, akalain mo ‘yun, na-try ding magluto ni Jasmine? Kung ganon kaganda ba naman ang magluluto doon e, baka dumugin ang Victor’s niyan! Char lang!

Maliban kay Ma’am Gladys, naka-chikahan din ni Jasmine si Kuya Mark, staff ng Victor’s. Nai-share niya sa atin Bes kung ano pa ‘yung mga masasarap na niluluto nila doon. May mga iba’t ibang inihaw rin pala sila doon tulad ng hito, tilapia, bangus at marami pang iba.

Tapos Bes, alam mo bang power pala itong Victor’s Lechon Manok and Barbecue kasi mayroon lang naman silang apat pang branches! Mayroon sa Moncada (Tarlac), Dau (Mabalacat), Dagupan, at Urdaneta (Pangasinan).

Kagutom magbasa ‘no? O, punta ka na ng Tarlac! Char! Basta Bes, kung mapapadpad ka sa Tarlac, dapat bisitahin mo na rin itong pinuntahan ni Jasmine, ang Victor’s Lechon Manok and Barbecue! Malay mo makita mo siya doon at ipagluto ka pa ng sisig! Ayie!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use