ON-AIR NOW:

Laban para sa Aliwan Fiesta Digital Queen crown, nagsimula na

Sponsored Content

September 12, 2020

LAUNCH AND PRIDE OF PLACE HIGHLIGHTS

ICYMI: Here are the highlights of #AliwanFiestaDigitalQueen 2020 Launch and Pride of Place.

Posted by Aliwan Fiesta on Saturday, September 12, 2020

Pinasimulan na ng Manila Broadcasting Company ang competition legs para sa Aliwan Fiesta Digital Queen nitong September 12, Sabado para sa Launch and Pride of Place.

Sa nasabing show, ipinakilala ng mga kandidata ang ipinagmamalaking yaman ng kanilang mga lugar tulad ng mga pagkain, pook, handicrafts at iba pa.

Sina Nicole Hyala at Chris Tsuper ng 90.7 Love Radio Manila ang hosts para sa competition legs.

Ang panel of judges naman na pipili ng kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen ay sina Jessey Anne Guiam o Raqi Terra mula sa 90.7 Love Radio Manila, Mr. Edzel Ty mula sa Tanduay, Ms. Mai mula sa ACS, ang pageant coach na si Mr. Norman Tinio at singer-songwriter na si Ms. Nicole Laurel Asensio.

Buhat sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan ang mga kandidata kaya naman kanya-kanya ito ng style kung paano maipapamalas ang ganda at yaman ng kanilang lugar.

Ang Luzon candidates tulad na lamang ni Jasmine Omay mula sa Tarlac City ay proud sa kanilang mga kakanin lalo na ang “Kapit Roll” pati na rin ang mga social works na paggawa ng mga handicrafts at beaded bonsai hatid ng mga kababaihan ng lungsod at mga bilanggo. Panawagan naman ni Alana Rhedey mula sa Baguio City, na bukod sa mga magagandang lugar at masasarap na pagkain ay mag-ampon ng mga stray animals na part ng advocacy niya bilang member ng Baguio Animal Lovers League. Bahagi din siya ng unveiling ng “Kalasag” mural bilang pagkilala sa mga frontliners ngayong may pandemya. Mula naman sa Naga City si Esperanza Francisco. Bukod sa likas na relihiyosong lugar, patok din doon ang mga pagkain, handicrafts at ang kanilang Bicolano hospitality.

Ibinida naman ng mga Visayas candidates ang ganda ng kanilang mga probinsya. Ang natural beauty and white beach ng Boracay sa Aklan ang ipinakita ni Nicole Angela Crescini. Ipinakilalang masisikap at masisipag na mamamayan doon lalo na ang mga indigenous people na Ati. Sa Consolacion, Cebu naman ay ipinakilala ni Bianca Wilhelmina Willemsen ang kanilang Sarok Festival na tampok ang mga sombrero na gawa sa kawayan at tuyong dahon ng saging. At siyempre, hindi nagpahuli si Sharon Villan Idone mula sa Iloilo na mayaman sa masasarap na pagkain, mabubuting mamamayan at mga tourist attraction tulad ng Bucari Leon, Sinamay House of local weavers, Miag-ao Sunflower farm, Sta. Ana Church at ang La Paz Batchoy.

Hindi nagpahuli sa kanilang Pride of Place ang mga kandidata mula sa Mindanao. Si Allyssa May Nicholls ay mula sa probinsya ng Sultan Kudarat na mayaman sa mga agricultural lands ng kape, saging, African oil, palay at mais. Ipinagmalaki naman ni Jannarie Zarzoso ang kapayakan at katahimikan ng kanilang lugar sa Cabadbaran City, Agusan del Norte pati na rin ang mga water activities na maaaring ma-enjoy dito. At mula sa Davao City, ibinida ni Katrina Anne Castañeda Johnson ang kombinasyon ng beauty at cultural heritage sa kanilang lungsod kung saan kilala ang Kadayawan Festival tampok ang durian at mangosteen.

Ang lahat ng competition legs pati na rin ang Awarding and Coronation night ay mapapanood sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin. Mapapanood rin ito DZRH News Television, channel 18 sa Cignal at channel 129 sa Skycable

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, Charm fabric conditioner, White Rose Kojic whitening soap, Tanduay at ng Palmolive Naturals Ultra Smooth.

Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.

I-CLICK ANG LINK NA ITO PARA MAPANOOD ANG BUONG LAUNCH AT PRIDE OF PLACE SHOW.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use