Jannarie Zarzoso ng Cabadbaran, Agusan del Norte, wagi bilang kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen
October 6, 2020
AFDQ 2020 – Awarding and Coronation Night Highlights
ICYMI: The winners of the first-ever #AliwanFiestaDigitalQueen have already been announced in the Awarding and Coronation Night last Saturday!
WATCH THE FULL SHOW HERE: http://bit.ly/AFDQAwardingandCoronation
Posted by Aliwan Fiesta on Monday, October 5, 2020
Si Jannarie Zarzoso na pride ng Cabadbaran City, Agusan del Norte ay ang siyang nagwagi bilang kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen nitong October 3, Sabado.
Matapos ang tatlong linggong pakikipagbuno sa iba’t ibang competitions, ang Pride of Place, Talents and Skills at ang Modelling and Question and Answer portion, narating na ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 ang culmination event nito, ang Awarding at Coronation Night.
Bilang nanalong Aliwan Fiesta Digital Queen, tumanggap si Zarzoso ng korona, sash at ang PhP 50,000. Ang kaparehong halaga ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang Protect Feed Save Inc.
Wagi din si Zarzoso sa Netizens’ Choice Awards kung saan ang kanyang picture na na inupload sa Facebook page ng Aliwan Fiesta ay nakapagtala ng 541,142 engagements Tumanggap siya ng karagdagang PhP 15,000 para sa award.
Bukod pa rito, nakuha rin ng Cabadbaranon beauty ang Miss Unique Smile at tumanggap siya ng karagdagang PhP 15,000 at special gift pack mula sa Unique Toothpaste.
Waging first runner-up si Jasmine Omay mula sa Tarlac City. Tumanggap siya ng korona, sash at PhP 25,000. Ang parehong halaga ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang Kythe Foundation: Tarlac- Cancer Patients.
Nanalo din siya bilang Miss Charm, ang pinaka-charming na kandidata at tumanggap siya ng karagdagang PhP 15,000 at gift pack mula sa Charm Fabric Conditioner.
Panalo rin bilang second runner-up si Allyssa May Nicholls ng Sultan Kudarat. Tumanggap siya ng PhP 15,000. Ang parehong halaga ay mapupunta sa kanyang chosen charity, ang Wildlife Preservation of the Province of Sultan Kudarat.
Wagi din siya bilang Miss White Rose at tumanggap ng karagdagang PhP 15,000 at special gift pack mula sa White Rose Kojic Whitening Soap.
Wagi bilang Miss Tibay Tanduay si Bianca Wilhelmina Willemsen ng Consolacion, Cebu. Tumanggap siya ng PhP 15,000 at gift pack mula sa Tanduay. Wagi naman ng Palmolive Naturals #GandangNatural award si Nicole Angela Crescini. Tumanggap siya ng PhP 15,000 at gift pack mula sa Palmolive Naturals.
Panalo rin naman ng consolation prize na tig-PhP 10,000 sina Katrina Anne Johnson ng Davao City, Sharon Idone ng Iloilo City, Alana Rhedey ng Baguio City, Nicole Angela Crescini ng Boracay, Aklan, Bianca Wilhelmina Willemsen ng Consolacion, Cebu and Esperanza Francisco ng Naga City.
ESPERANZA FRANCISCO of NAGA CITY
ALANA RHEDEY of BAGUIO CITY
SHARON IDONE of ILOILO CITY
KATRINA JOHNSON of DAVAO CITY
Mas naging special ang awarding at coronation night dahil sa special performance ng singer-actor na si Elmo Magalona.
Nagpaabot din ng kanilang mga video greetings sina Reyna ng Aliwan 2013 Jamie Herrell, Reyna ng Aliwan 2014 Steffi Rose Aberasturi, Reyna ng Aliwan 2018 Chelsea Fernandez at ang reigning Reyna ng Aliwan 2019 Roi Neeve Comanda.
Bes, may bonus pang show ang Aliwan Fiesta Digital Queen, ang ‘Queen-tuhan’ sa October 10 na mapapanood sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin. Mapapanood rin ito DZRH News Television, channel 18 sa Cignal, channel 129 sa Skycable, channel 3 sa Cablelink at sa lahat ng cable providers nationwide.
Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Kojic whitening soap, Charm fabric conditioner, Tanduay at ng Palmolive Naturals Ultra Smooth.
Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.
PANOORIN ANG BUONG AWARDING AT CORONATION NIGHT DITO.
Comments