ON-AIR NOW:

Jannarie Zarzoso: “Let’s end the stigma against mental health”

September 23, 2021

Mental Health

Bes! Isa nanamang episode ng AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso ang hatid namin sa inyo at sa episode na ‘to, bibigyang pansin natin ang isa sa mga pinagdadaanan ng lahat ng tao na kadalasan ay nahuhusgahan at hindi naiintindihan. Ito ay ang mental health issues gaya ng depression at anxiety.

Ayon kay Jannarie, may mga bagay sa mundo na madalas ay hindi natin pinaniniwalaan, lalo na kung hindi naman natin ito nakikita o nararanasan. Isang halimbawa ay ang pag-ibig. Minsan, mahirap paniwalaan ang salitang “Mahal kita” lalo na kung hindi naman natin ito nakikita o nararamdaman. #hugot! HAHAHA! Pero kidding aside, hindi naman lahat, kailangan nating maramdaman para mapaniwalaan, ‘di ba? Gaya na lang ng depression or anxiety. Kadalasan, hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang tao. Hindi dahil malaki ang ngiti ng isang tao, eh wala na siyang mabigat na pinagdadaanan.

Dahil diyan, nagbigay si Jannarie ng iba’t ibang sintomas ng isang taong dumadaan sa depression. Pero bukod sa mga sintomas na ito, may isa pang mas mahalagang dapat nating tandaan kung tayo ay may kakilalang dumadaan sa ganitong sitwasyon. Bes, alalayan natin sila. Mahalaga na naiintindihan natin ang pinagdadaanan nila, pero mas maganda kung matutulungan din natin sila, ‘di ba?

Ikaw, bes, kailan mo huling tinanong ang kaibigan mo ng “Kumusta ka?”

Dalawang maikling salita, pero para sa iba, napakahalaga ng tanong na “Kumusta ka?” Ito ay isa sa mga binigay ni Jannarie na paraan kung paano tayo makakatulong sa mga kaibigan nating nakakaranas ng depression o anxiety. ‘Wag kang matakot na iparamdam sa kanila na nandiyan ka at naririnig mo sila. Pangalawa, ‘wag kang ma-agit kung paulit-ulit silang humihingi ng tulong sa’yo. Habaan mo ang pasensya mo at ‘wag mong iparamdam na nakakaabala sila sa’yo. Pangatlo, ‘wag mo rin hayaang maramdaman nila kasalanan nila kung bakit nasa gano’ng sitwasyon sila.

Simple lang naman ang mensahe ni Jannarie sa episode na ‘to, bes at ‘yan ay ang ipaunawa sa lahat na napakahalaga ng mental health ng isang tao at hindi biro ang nararanasan ng mga taong nagkaka-problema rito. Kaya naman si Jannarie Zarzoso, kasama ang buong Yes The Best Manila ay maglalambing sa’yo, bes, na tulungan mo kaming i-share ang kwentong ito sa lahat para unti-unti ay mai-ahon natin ang lahat ng taong lumubog at nakalugmok nang dahil sa mental health issues na kanilang nararanasan.

At para naman sa mga bes naming nakakaranas ng lungkot, depression, anxiety o ano mang hindi maganda para sa mental health niyo, ‘wag kayong matakot na humingi ng tulong sa mga taong nasa paligid niyo. Nandito kami, makikinig kami sa inyo. Para saan pa’t naging mag-bes tayo, ‘di ba? Isang mahigpit na virtual hug, bes! Maraming kaming nagmamahal sa’yo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use