ON-AIR NOW:

Food trip sa Cabadbaran kasama si Jannarie Zarzoso: Squash Pancit Canton at Puto at Sikwate

August 10, 2021

Bes! Mahilig ka bang kumain ng pansit? Well, narito ang ating Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 na si Jannarie Zarzoso at isasama niya tayo sa kanyang Pancit De Cabadbaran Adventure sa kanyang hometown at ‘yan ay walang iba kun’di sa Cabadbaran City!

Ang pancit canton ay isa sa pinakasikat na pagkain sa Cabadbaran dahil ito ay gawa sa kalabasa! Oo, Bes! Hindi ka nagkakamali ng basa! Talagang malusog na, masarap pa ang pancit ng mga Cabadbaranon! At dahil nga naman ito ay ipinagmamalaki ng buong lungsod ng Cabadbaran, dadalhin tayo mismo ni Jannarie sa sa Painitan sa Cabadbaran kung saan naroroon ang Marcy’s Eatery at ipapakita nila ni Ate Arlene sa atin kung paano ginagawa ang Pancit De Cabadbaran o ang Pancit na gawa sa kalabasa.

Pero saan nga ba nanggagaling ang Pancit Canton na gawa sa kalabasa? Well, para hindi na kayo nabibitin pa, dadalhin din tayo ni Jannarie sa processing plant ng Squash Pancit Canton para ipakita naman kung paano nga ba ginagawa ang masarap na squash noodles na ito! Dito ay nakausap din ng ating Aliwan Fiesta Digital Queen ang manager ng planta na si Kagawad Leoreen Caila. Mantakin mong nag-umpisa pala ang squash noodles noong bumagsak ang presyo ng Kalabasa sa Cabadbaran? Pero tayo talagang mga Pilipino ay sadyang maparaan at hindi nagpapatinag!

Speaking of hindi nagpapatinag, ang Bes natin si Jannarie ay hindi rin nagpatinag at talaga nga namang sumubok din gumawa ng squash noodles mula sa kalabasa hanggang maging noodles na ito!

Bukod sa paggawa ng Pancit De Cabadbaran at squash noodles, may pa-bonus pa sa’tin si Jannarie dahil nagkaro’n siya ng pagkakataon na maka-kuwentuhan si Tita Calinga, ang may-ari ng Calinga Painitan na siya namang kilala sa kanyang puto at sikwate na talaga namang bentang benta sa almusal sa lungsod na ito!

Grabe, ginutom ka ‘no? Talaga nga naman sobrang nakakatakam ang mga pagkain dito sa Cabadbaran kaya kung ikaw, Bes, ay nagpa-planong bumisita sa Cabadbaran City, naku! ‘Wag na ‘wag kang aalis ng lungsod na ‘to hangga’t hindi mo nasusubukan ang puto at sikwate, at lalong lalo na ang ipinagmamalaking Pancit de Cabadbaran. Sabi nga ni Jannarie, “The best way to know the place is to visit it. But the best way to know the people is to try their food.”

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use