aliwan fiesta banner aliwan fiesta banner

ON-AIR NOW:

Ballet Manila, handa nang magpakitang gilas sa kanilang pagbabalik!

February 14, 2023

Uy, mga Bes! Narinig niyo na ba ang latest? Sino ba sa inyo ang mahilig sumayaw ng ballet d’yan? Hmmm, kung isa ka na roon, ‘etong balita na ‘to ay para sa iyo! Dahil, may nagbabalik! The country’s leading dance company, ang Ballet Manila! Matapos ang higit dalawang taon na may pandemya, handa nang magpakitang gilas muli ang Ballet Manila sa kanilang 25th live performance season “Of Home and Homecoming”, ngayong buwan ng February!

Ayon kay, Lisa Macuja-Elizalde, “The challenges that Ballet Manila have been through these past years have only proven our grit and resilience in the face of adversity. That is why we feel that it’s only right to open our 25th season with performances that showcase Ballet Manila’s enduring artistry and excellence”.

Ngayong darating na season, pangungunahan ni Martin Lawrance, isang British choreographer, ang pag-remake ng isa sa pinaka classic na palabas noong 14th century, ang Romeo and Juliet. Ayon kay Lawrance, modern Filipino setting ang magiging atake ng kanilang performance this season. Naka-set na ganapin ang show sa darating na February 18, 8PM pati rin sa February 19, 5 PM. Ay, oh! Malapit na, Bes!

Saan ng aba nila nakuha ang inspirasyon na gumawa ng ganitong klase na performance?

Mula raw ito sa inspirasyon na magtanghal ng kakaibang modern rendition sa larangan ng ballet. Ibinahagi rin ng Ballet Manila na talagang ka-abang-abang ang kanilang performance dahil isa itong full-blown romantic musical adventure na mula sa kuwento ni Don Quixote.

Ayun naman pala, Bes! Kuwento pala ni Don Quixote! Aba’y talagang ka-abang-abang ‘yan!

Pagbibidahan ito ni Katherine Barkman sa karakter na si Kitri. Si Barkman ay isang soloist sa San Francisco Ballet. Kabilang din siya sa mga naturuan ni Macuja-Elizalde ng ballet noong taong 2015 to 2018 hanggang sa naging principal dancer ito sa Ballet Manila before bago bumalik sa USA, taong 2018.

Bukod dito, makakasama rin ni Barkman si Esteban Hernandez, isa namang principal danseur sa San Francisco Ballet na gaganap sa karakter ni Basilio. Gaganapin ito ngayong May 27, 2023, 8PM at pati May 28, 5PM.

Ayon kay Macuja-Elizalde, ang kanilang 25th performance season ay gawa lahat ng Filipino. Paninimulan ito ng Ibong Adarna ni Gerardo Francisco na nakatanggap ng iba’t ibang parangal. Kabilang dito ang pagtanggap niya ng parangal mula sa Gawad Buhay para sa Outstanding Male Lead for Modern Dance, Outstanding Modern Dance Production, at Outstanding Choreography for Modern Dance. Naka-set naman ganapin ang Ibong Adarna sa August 19, 2023, 8PM at August 20, 2023, 5PM.

Lahat ng performances ng Ballet Manila ay gaganapin at Aliw Theater, Pasay City. Para sa tickets, bisitahin ang www.ticketworld.com.ph or call 8891 9999.

Para updated ka sa lahat ng kanilang live shows, i-follow ang Ballet Manila at maari niyo rin i-check ang www.balletmanila.com.ph

So paano, mga Bes? Kita kits nalang tayo, ah! ‘Wag ka nang magpahuli, minsan lang ‘to!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use