ON-AIR NOW:

Ang inspiring Psoriasis story ni Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 Jannarie Zarzoso

August 19, 2021

Bes, naranasan mo na bang manood ng beauty pageant at makaramdam ng inggit sa mga kandidata dahil sa taglay nilang ganda? Nakaka-insecure, ‘di ba? ‘Yung tipong ramdam na ramdam mo kung ga’no ka ka-chaka tapos tatanungin mo na lang ‘yung sarili mo na “No’ng nag-sabog si Lord ng ganda, nasaan ako banda? Bakit parang ang peperfect nila?”

Well, alam mo bang hindi ka nag-iisa? Oo, bes, dahil maski ang mga beauty queen na hinahangaan natin ay minsan na ring humarap sa ganitong klaseng sitwasyon! Gaya na lang ni Jannarie Zarzoso, na nagbahagi ng kanyang pinagdaanan bilang isang psoriasis warrior.

Dito sa ika-limang episode ng AFDQ Talks, shinare sa atin ng ating first-ever Aliwan Fiesta Digital Queen ang journey niya sa pagharap sa autoimmune disease na psoriasis. Napakahirap nito dahil alam mo bang mas makati pa ’to sa ex mo, Bes? Kidding aside, talaga nga namang the struggle is real dahil ang psoriasis ay hindi lang basta sakit, ito rin ay nagbibigay ng isang malaking epekto sa mental state ng isang tao at hindi nakaligtas ang bes nating si Jannarie dito.

Ang sakit na ito ay hindi lang nagapahirap sa pisikal na pakiramdam ni Jannarie, kundi pati na rin sa kanyang emosyonal na aspeto. At gaya ng iba, hindi rin naging madali ang proseso ng pagtanggap ni Jannarie dito. Unti-unti niyang tinulak palayo ang mga taong malapit sa kanya dahil ayaw niyang makita siya ng mga Itong nasasaktan. Isa sa pinaka hindi malilimutang pangyayari ni Jannarie ay noong nakasagutan niya ang kanyang ama dahil sa sakit ng dinaramdam niya pero dahil dito, na-realize ni Jannarie na hindi siya nag-iisa at hindi mababago ng sakit na ito ang pagmamahalan nila ng pamilya niya.

Tinulungan din ni Jannarie ang sarili niya sa pamamagitan nang pagiging involved sa community ng mga psoriasis warrior. Bibilib ka, Bes, dahil noon  humuhugot lang si Jannarie na lakas ng loob sa psoriasis community. Ngayon, si Jannarie ay isa na sa lumalaban para sa psoriasis awareness at higit sa lahat isa na siya sa mga hinuhugutan ng lakas ng loob ng mga taong lumalaban din sa sakit na ito. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi niya tinanggap sa sarili niya ang kalagayan niya kaya dapat gano’n ka rin, Bes! Bukod sa pagtanggap, ‘wag mong hahayaang hilahin ka pababa ng hindi magandang pangyayari sa buhay mo. Maganda ka at walang kapintasan ang makakabawi sa iyo ng kagandahang mayroon ka.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use