ON-AIR NOW:

Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 Top 12 Finalists, puno ng inspirasyon at pag-asa sa Queens For A Cause Competition

October 25, 2022

Aliwan Fiesta Digital Queen

Baon ang kanilang inspirasyon sa pagsungkit ng inaasam na titulo at korona, ibinahagi ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 candidates ang kanilang napiling charitable program sa Queens For A Cause segment.

Sa ikatlong bahagi ng kompetisyong ito, itinampok ng mga kandidata ang community project na kanilang sinusuportahan, pakikilahok at mga pangarap para rito. Maliban sa tatanghaling Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 winner, first and second runners-up, tatanggap din ng cash prizes ang kanilang chosen charitable programs.

Sina DJ Raqi Terra ng Love Radio Manila at DJ Nick ng Easy Rock Manila ang hosts ng nasabing show. Ang Bes nating si Sexy Megan naman ang nagsilbing moderator.

Saksi si Sophia Noreen Guillermo kung paano bumangon ang Lalawigan ng Ilocos Norte mula sa COVID-19 pandemic. Lubhang naapektuhan ang kabuhayan, serbisyong pampubliko, at mga oportunidad ng kanyang mga kapwa kailian. Ito ang nagtulak sa kanyang tumulong sa pagsulong ng kanilang local tourism. “Ilocos Norte continues to work in sustaining its gains in the local tourism. Although the pandemic is far from over, we plan to build the future better.” saad niya.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Ang Love Yourself organization ang tumulong kay Nadine Faith McCoy noong nahirapan siyang mahalin at tanggapin ang sarili. Gusto niyang suklian iyon, kaya naman sila ang napili niya bilang beneficiary. Bukod sa pagiging pangunahing HIV advocacy group sa bansa, sinabi ng kinatawan ng Cebu City, “Love Yourself is an initiative started by a community of peers that aims to provide a safe and affirming space where people can feel listened to, supported, and accepted.”

Aliwan Fiesta Digital Queen

Itinuturing ni Dana Gabrielle Tautho ng Davao City ang kanyang sarili bilang “environmentally and socially-mindful individual.” Dahil dito, nakipagtulungan siya sa Matigsalug Tribe para sa kanyang One Apparel, One Tree program kung saan ang mga kikitain ng bawat damit na mabibili ay direktang gagamitin para sa pagbili ng mga punla at pagtatanim ng puno. Ang proyekto ay naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa pag-restore ng ating kapaligiran at bawasan ang carbon dioxide emissions.

Aliwan Fiesta Digital Queen

“These dreams are made to be told and their voices are made to be heard.” Ipinakilala ni Kristell Candice Pagdagdan ang Arandurugan Para Sa Mga Kaakian outreach program sa ilalim ng Guinobatan Children’s Organization. Inakala niya noong hindi maisasakatuparan ang kanyang mga pangarap, ngunit nalampasan niya ito sa suporta ng nasabing organisasyon. Ngayong mayroon na siyang kakayahang ibahagi ang kanyang kwento at ipaabot ang kanyang tulong, naniniwala siya na ito na ang tamang oras para bumawi sa kanyang komunidad.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Ang replikasyon ng Sagup Negros, isang food waste mitigation initiative na nagbibigay ng income support sa market vendors at unemployed mothers sa Negrosanon communities ay ang vision ni Jeaven Iyl Musni. Ipinaliwanag niya na may malaking kontribusyon sa climate crisis ang food wastes na nakokolekta na humahantong sa lahat ng iba pang mga panganib sa kapaligiran. Sinimulan ang proyekto sa layong makabuo ng isang sustainable society na kapaki-pakinabang sa pangangailangan ng mga tao at ng planeta. “Isagup ang pagkaon [Save our Food]. Isagup ang kalibutan [Save our World]. Isagup ang buwas damlag [Save our Future].” panawagan ng Bacolodnon sa sama-samang pagkilos. 

Aliwan Fiesta Digital Queen

Dinala ni Jackelaine Fleming ang mga manonood sa Little Lamb Center (Missionaries of the Poor), isang institusyong tinitirhan ng mga inabandunang kabataang may cerebral palsy, down syndrome, at autism. Nagpaabot ng tulong ang Cebuana at ikinuwento kung gaano kalungkot para sa kanyang masaksihan ang kakulangan ng mga bata sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw. Hindi niya napigilang mapaluha habang ipinapanalangin ang mga itinuturing niyang munting anghel.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Inialay ni Martina Mikael De La Rama ang kanyang pagkilos sa mga taga-Buenavista, Agusan Del Norte kung saan pangingisda ang pangunahing kabuhayan. Ipinahayag niya ang kanyang suporta para sa Kalanggaman at Tangke Fisherfolks Association. Ang mga asosasyong ito ay nagbibigay ng mga programang pangkabuhayan para sa mga mangingisda, lumalaban sa iligal na pangingisda, at pumu-protekta sa karagatan sa pag-asang umahon mula sa kahirapan.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Nagtatrabaho si Marikit Manaois sa isang non-government organization na nakatuon sa waste eradication. Bukod sa pag-ikot sa bansa para pag-usapan ang kahalagahan ng zero waste management at paghikayat sa mga komunidad na sundin ang hakbang na ito, ipinakilala rin ng kandidata ng Baguio City ang Solid Waste On Wheels. Ito ay isang makina mula sa JFGR Solid Waste Management and Solutions na ginagawang organic fertilizers ang nabubulok na basura at by-products naman na maaaring ihalo sa mga semento ang mga hindi nabubulok.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Mula sa Rice Granary of the Philippines, nanindigan si Maica Martinez para sa mga tao sa likod ng bawat butil ng palay at ani — ang mga magsasaka. Sa pamamagitan ng Aliwan Fiesta Digital Queen platform, umapela ang Novo Ecijana na ipagpatuloy ang mga programa at proyekto ng Magsasaka Bida Sa Cabanatuan na nagpapaunlad sa buhay ng mga magsasaka, lumilikha ng sustainable food production at security para sa masaganang ani at abot-kayang ani sa sakahan. Determinado siyang ipanalo ang labang ito kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Karding na nagdulot ng ₱3-Billion halaga ng pinsala sa agrikultura sa kanyang bayan.

Aliwan Fiesta Digital Queen

“No children should ever be deprived. No children should ever be not a child.” Idineklara ni Thañamae Cahilig ang kanyang pagkondena sa Online Sexual Exploitation of Children (OSEC). Nakipagtulungan siya sa Rancho Ni Cristo — isang aftercare center para sa mga batang naging biktima ng OSEC sa Cebu. Binanggit niya na ang isla ng Cebu ay isa sa may pinakamataas na kaso ng trafficking at sexual abuse kabilang na ang internet pornography. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglikha ng isang ligtas na espasyo para sa mga bata at kanilang kinabukasan.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Si Nikki Shannen Ortega ay tagapagtaguyod ng cultural preservation. Tampok ang tribong Bagobo Tagabawa, nais niyang maliwanagan at ipaalam sa pangunahing lipunan at pamahalaan ang kahalagahan ng ating mga katutubo at ng ating kultura. Naniniwala siyang ang isang de-kalidad na edukasyon para sa kanila ay katumbas ng edukasyong well-resourced, culturally-sensitive, at respectful of heritage. Kasama ang civilian IP Youth Organization, nais ng Davaoeña na anyayahan, isulong, at turuan ang lahat na tumulong na pangalagaan ang ating kultura.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS), nakita ni Kassandra Avena ng Caramoan, Camarines Sur ang pag-asa para sa mga out-of-school youth, children with special cases, at maging sa mga nakatatanda. Ang kanyang chosen charitable program na ALS Caramoan North District ay pumupunta sa mga komunidad na malayo sa modernisasyon kahit walang sweldo. Pangarap niyang makapagtayo ng kabuhayan para sa pag-unlad ng kaniyang bayan at pamilya ng ALS Learners, at karagdagang pondo para sa ALS Volunteers.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Samantala, ang panel of judges ay binubuo ng radio broadcaster na si Deo Macalma, pageant blogger Tristan Harvey Francisco, Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia, Actress Ana Abad-Santos, Tanduay Digital Brand Manager Edzel Ty, at kinatawan ng ACS Media Agency na si Allen Yotoko.

Last leg na ng kompetisyon sa October 29, 2022 kaya naman, todo-bigay na dapat ang Top 12 Finalists sa Evening Gown at Question & Answer portion! Mapapanood ito nang live sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, at Radyo Natin. Ipapalabas din ito sa DZRH TV: Channel 18 sa Cignal, Channel 129 sa Skycable, at Channel 3 sa Cablelink.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, DITO Telecommunity, Birch Tree, Tanduay, Palmolive Naturals Ultra.

‘Wag ding kalimutang bumoto para sa Netizen’s Choice Award sa https://vote.aliwanfiesta.com/ hanggang October 29, 2022. I-follow mo na rin ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter, at Instagram para lagi kang updated sa announcements!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use