ON-AIR NOW:

Aliwan Fiesta Digital Queen Top 12 Finalists, ibinida ang kanilang cities/provinces sa Launch and Pride of Place

October 11, 2022

Aliwan Fiesta Digital Queen 2022

Matapos ang 3-episode pageant primer, nagharap-harap na ang Top 12 Finalists ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 sa Launch and Pride of Place competition.

Kasama sina DJ Raqi Terra ng Love Radio Manila at DJ Nick ng Easy Rock Manila bilang hosts, ipinakilala na rin ang panel of judges na binubuo ng radio broadcaster na si Deo Macalma, pageant blogger Tristan Harvey Francisco, Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia, Actress Ana Abad-Santos, Tanduay Digital Brand Manager Edzel Ty, at kinatawan ng ACS Media Agency na si Allen Yotoko.

Sa unang bahagi ng kompetisyong ito, ipinakita ng bawat kandidata ang local delicacies o products, festival tradition, at custom na kakaiba sa rehiyong pinagmulan kung saan ang mananalo ay magkakamit ng ₱10, 000.

Binigyang-pugay ni Sophia Noreen Guillermo ang Ilocano heritage na siyang kumukumpleto sa kanilang pinagmulan at pagkakakilanlan. Isinalaysay niya ang mga kuwento sa likod ng Empanada, Ilocano wine BasiInabel fabric, Tadek traditional dance, Ilocos Norte wind farm, at Panagdamili [pottery]. “Every town in my province is a festivity, a celebration of heritage, rituals, flavors, and greatness.” sabi niya.

Itinuturing ni Nadine Faith McCoy ang Cebu City bilang “place of serenity.” Ibinida niya ang Sirao Garden na sagana sa mga bulaklak at kalapati, ang Maharlicup café na naghahain ng pinakamahusay na kombinasyon ng putosikwate, at budbud, at ang Soul Sierra retreat center. Makikita rin ang 17-year-old na naglalakad sa Temple of Leah at nagpaalalang, “Slow down and enjoy life in Cebu City.”

Nilibot ni Dana Gabrielle Tautho ang kamangha-manghang ridges and reefs ng Davao City. Kilala ang mga bulubundukin nito sa magagandang tanawin, malamig na panahon, at masaganang yamang pang-agrikultura. Kasingyaman din nito ang baybaying-dagat na tahanan ng Mangrove at fish sanctuaries. Ipinagmamalaki niya na ang Crowned Jewel of the South ay hindi kailanman kinompromiso ang likas na yaman nito kaya niya nasabing, “Life is here!”

Sigurado si Kristell Candice Pagdagdagan na “Albay is your place to be.” Itinampok niya ang maringal na Bulkang Mayon, malinis na Jovellar Underground River, nakamamanghang Quitinday Green Hills Formation Reserve, at ang katakam-takam na pili candy at rice puto. Kilala bilang lupain ng mga uragon [matapang], nanawagan siyang, “Sararo [isa], Sarabay [magkasama], Albay, Mabuhay!”

Inilarawan ni Jeaven Iyl Musni ang mga Negrense bilang “sweet as sugar.” Sa katunayan, ang Negros ang Sugarbowl ng Pilipinas. Ibinida rin niya ang Masskara Festival na siyang defining element ng Bacolod City at mga mamamayan nito. Nagpista rin ang 20-year old sa sikat na Chicken Inasal, fresh sea-to-table seafoods, pala-pala style. “Indeed, there are many reasons to smile in the City of Smiles!” bulalas niya.

Si Jackelaine Fleming ay puno ng pagmamalaki sa kanyang representasyon ng Cebu City. Sinimulan niya ito sa Sinulog Festival na ginaganap bilang pagdiriwang ng Señor Santo Niño. Ipinakita niya rin kung paano sayawin ang Sinulog dance. Kitang-kita rin ang Spanish influence sa lungsod habang naglalakad siya sa makasaysayang Fort Santiago. Bukod dito, binigyang-diin din niya ang pagmamahal ng mga Cebuano sa entertainment, pinakabagong mga development kabilang ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), mangga at s’yempre, ang lechon.

Pinatunayan ni Martina Mikael De La Rama na ang kanyang bayan sa Buenavista, Agusan Del Norte ay totoo sa kahulugan nitong “good view.” Ipinagmamalaki ng munisipalidad ang economically sustainable aqua tourism at agroforestry kung kaya’t maituturing itong “investor’s haven.” Suot ang traditional Manobo dress sa Tacub Falls, sinabi niya na ang tunay na kayamanan ay nasa kasaganaan ng mga isda at aqua warrior na tumutulong sa pangangalaga ng endangered tortoises, ang puso ng kanilang Tortosa Festival. Tinitiyak niya na sa kanyang tahanan, “Beyond the good view is a good life.”

Nagbahagi si Marikit Manaois ng mensahe ng pag-asa habang inaanyayahan ang mga manonood na muling tuklasin ang Baguio. Sa kabila ng mga pagsubok, lalo lamang nitong pinagtibay ang kanyang lungsod. Nilibot niya ang Burnham Park, Baguio Botanical Garden, Mirador Eco Park, at Baguio Public Market kung saan kasama niya ang kanyang mga kababayan sa Zumba, pagpipinta, at musika. Buong pagmamalaki niyang sinabing, “This is my pride. My people. My home.”

May bahid ng putik at may takip ng tuyong dahon ng saging, ipinakita ni Maica Martinez ang Taong Putik Festival — isang pagpupugay kay San Juan Bautista [Saint John the Baptist]. Tinaguriang Tricycle at Onion Capital of the Philippines, naglakbay ang 28-anyos sa “Bali of the North,” Pantabangan Dam View Deck, Milka Krem Dairy Café, at Duquilla’s Warehouse. Gumawa rin siya ng batutai, isang sikat na beef Longganisa at inimbitahan ang mga manonood na subukan ang Adobong salagubang [beetle]. Sa pagtindig niya para sa mga Pilipinong magsasaka, sinabi niyang ang Nueva Ecija ay isang “probinsyang magsasaka ang bayani sa alinmang panahon.”

Para kay Thañamae Cahilig“What the world has, you can find in Cebu.” Dinala niya ang mga manonood sa isang past-to-present journey. Huminto siya sa makabuluhang Magellan’s CrossFort San PedroPlaza IndependenciaSan Diego’s Ancestral House, Colon Street, at Maritima Ruins. Ipinunto rin niya ang hindi natitinag na diwang Cebuano habang sakay ng bangka kasama ang ang grupo ng breast cancer survivors na kilala bilang Cebu Pink Paddlers Dragon Boat Team. Ang lahat ng ito, ayon sa kanya, ay ang dahilan kung bakit ang kanyang bayang tinubuan ay “truly a Crowned Queen city.”

Inisa-isa ni Nikki Shannen Ortega ang must-visit places sa Davao City na kinabibilangan ng Tag-Puan Café, Davao Coastal Road, makulay at masiglang Kadayawan Tribal Village, Rojas Avenue Night Market, Walk of Mercy, at mapayapang Grassland. Nag-enjoy din ang 20-anyos sa Durian na tinaguriang “king of fruits.” Suot ang white and gold beaded gown, nagmistula siyang diwata habang nasa ilog ng Davao.

Binanggit ni Kassandra Avena na ang kanyang bayan ay isang “God-fearing place” na pinagtibay ng pananampalataya nila sa Virgin of Peñafrancia. Bumisita din siya sa Saint Michael The Archangel Church at Our Lady of the Most Holy Rosary na mas kilala bilang “Mother of Peace.” Makikita rin siyang kumakain ng mga local delicacy na aniya ay “served at its best spice in coconut milk.” Suot ang kanyang swimsuit, ipinaliwanag niya kung bakit isang “paradise to explore” ang Caramoan. Ipinakita niya ang white sand, masaganang marine life, at kaakit-akit na mga flora at fauna.

Susunod na maglalaban-laban ang Top 12 Finalists sa Talent and Skills Competition sa October 15, 2022. Mapapanood ito nang live sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, at Radyo Natin. Ipapalabas din ito sa DZRH TV: Channel 18 sa Cignal, Channel 129 sa Skycable, at Channel 3 sa Cablelink.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, DITO Telecommunity, Birch Tree, Tanduay, Palmolive Naturals Ultra.

‘Wag ding kalimutang bumoto para sa Netizen’s Choice Award sa https://vote.aliwanfiesta.com/ hanggang October 29, 2022. I-follow mo na rin ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter, at Instagram para lagi kang updated sa announcements!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use