ON-AIR NOW:

Aliwan Fiesta Digital Queen finalists, nagpabonggahan sa talent and skills competition!

Sponsored Content

September 21, 2020

AFDQ 2020 – Talent/Skills Competition Highlights

ICYMI: Here’s what happened during the Talent and Skills Competition of the first-ever #AliwanFiestaDigitalQueen!

WATCH THE FULL SHOW HERE: bit.ly/AFDQTalentSkills

Posted by Aliwan Fiesta on Saturday, September 19, 2020

Nagpakita ng kaniya-kaniyang galing sa talent and skills competition ang mga kandidata ng Aliwan Fiesta Digital Queen.

Hindi nakalimutan ng mga kandidata na ipagmalaki ang kanilang mga lugar, ipakita ang kanilang mga advocacies at maging inspiring sa mga performances na ginawa nila.

Kasama ang isang banda, kinanta ni Allyssa May Nicholls ng Sultan Kudarat ang “Rise Up” ni Andra Day. Gayundin, kinanta naman ni Esperanza Francisco ang kantang “When I Fall In Love” ni Natalie Cole kasama ang isang koro.

Gamit ang kantang “Salute” ng Little Mix, pagsaludo sa kababaihan ang naging tema ng dance performance ni Bianca Willemsen ng Consolacion, Cebu. Hatid naman ni Alana Rhedey ang isang Hawaiian-themed na sayaw habang suot ang costume na may mga bulaklak at tiger grass na makikita sa Baguio City.

Kasabay ng paggawa ng kanyang artwork ay binigyang inspirasyon ni Katrina Anne Castañeda Johnson ang lahat para magkaroon ng pag-asa at bumangon sa mga pagkakamali. “Be hopeful, because your way in may just be your way out,” sabi niya.

Magaling din ang ilang kandidata sa pagtugtog ng musical instruments. Mula sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, ipinakita ni Jannarie Zarzoso ang kanyang galing sa pagtugtog ng piano. Sa saliw naman ng classical na “La Vie En Rose” ni Édith Piaf ay tumugtog naman si Jasmine Omay ng Tarlac City gamit ang kanyang violin.

Para ipakita ang ganda ng Boracay, kinanta ni Nicole Angela Cresicini ang kantang “Island Called Boracay” na isinulat Ferns Tosco. At dala-dala ang ipinagmamalaking Dinagyang Festival, isang cultural dance naman ang hatid ni Sharon Idone kasabay ang panawagan ng pagsusuot ng face mask, proper hygiene at physical distancing ngayong may pandemya.

Kitang kita na natin kung gaano kahigpit ang pagalingan ng mga kandidata kaya naman abangan mo sila sa susunod na Sabado, September 26, para sa Q&A at modelling competitions!

Ang lahat ng competition legs pati na rin ang Awarding and Coronation night ay mapapanood sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: mula sa DZRH AM band, at sa FM band na Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin. Mapapanood rin ito DZRH News Television, channel 18 sa Cignal, channel 129 sa Skycable, channel 3 sa Cablelink at sa lahat ng cable providers nationwide.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Kojic whitening soap, Charm fabric conditioner, Tanduay at ng Palmolive Naturals Ultra Smooth.

Para sa iba pang mga detalye: maaari niyong i-follow ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter at Instagram.

PANOORIN ANG BUONG TALENTS AND SKILLS COMPETITION DITO. 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use