ON-AIR NOW:

Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 Top 12 Finalists, nagpasiklaban sa Talent and Skills Competition

October 20, 2022

Aliwan Fiesta Digital Queen

Tampok ang mga kamangha-manghang talento, makulay na kultura, at kakaibang kagandahang taglay ng Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 sa Talent and Skills Competition noong Sabado.

Sa ikalawang bahagi ng kompetisyong ito, ipinakita ng mga kandidata ang kanilang talento at kasanayan sa visuals and arts at crafts and designs kung saan ang mananalo ay magkakamit ng ₱10,000. Sina DJ Raqi Terra ng Love Radio Manila at DJ Nick ng Easy Rock Manila ang hosts ng nasabing show.

Suot ang white vintage dress, sinimulan ni Sophia Noreen Guillermo ng Province of Ilocos Norte ang mga pagtatanghal sa powerful rendition niya ng smash hit na Through The Fire.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Naantig naman ang mga manonood nang ipinamalas ng Cebuana charmer na si Nadine Faith McCoy ang kaniyang vocal prowess sa kantang Kumpas habang tumugtog ng gitara.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Sumunod naman si Dana Gabrielle Tautho ng Davao City na nagpakita ng kanyang kahanga-hangang mga galaw sa pamamagitan ng ilang mapang-akit na magic tricks.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Sa harap ng Museo de Guinobatan, binigyan ng Albayanon beauty na si Kristell Candice Pagdagdan ang mga manonood ng isang variety show experience. Hinandog niya ang song at ballroom dance number sa saliw ng Kings and Queens at I’m A Barbie Girl.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Dinala ni Jeaven Iyl Musni ang Masskara Festival sa mga manonood. Masaya siyang nagtanghal ng street dance suot ang makulay na light-up costume. Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap tuwing ikaapat na Sabado ng Oktubre bilang deklarasyon ng katapangan at optimismo ng mga Bacolodnon.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Namangha ang mga manonood sa isa pang Cebuana stunner na si Jackelaine Fleming. Inihayag niya ang kanyang emosyon at kasanayan sa pagkukuwento sa pamamagitan ng contemporary dance ng Rewrite The Stars.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Nagpatuloy ang kompetisyon sa Binasuan cultural dance na hatid ni Mikaela De La Rama ng Buenavista, Agusan Del Norte. Ang Binasuan ay isang makulay at masiglang katutubong sayaw na nagpapakita ng kakayahan sa pagbabalanse at kadalasang ginaganap sa mga kasalan, kaarawan, at fiesta.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Isang mahusay na follow-up sa kanyang launch and pride of place presentation ang ipinakita ni Marikit Manaois. Mula sa nakamamanghang tanawin sa kabundukan ng Baguio City, kinanta niya ang Huminga, Baguio na parang imbitasyong makibahagi sa kaniyang siyudad.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Inialay ng kinatawan ng Nueva Ecija na si Maica Martinez ang kanyang Heal The World saxophone cover sa mga kapwa niya naapektuhan ng Super Typhoon Karding. Nag-iwan din siya ng nakaka-inspire na mensahe. Sabi niya, “Bangon, Nueva Ecija. Kaya Natin ‘To!”

Aliwan Fiesta Digital Queen

Ang pangatlong kinatawan ng Cebuana na si Thañamae Cahilig ay nagpakita ng sexiness at fierceness sa mahusay na electric guitar cover ng You Give Love A Bad Name.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Kasing-slow, sexy, and smooth naman ng kantang Earned It ang galaw ni Nikki Shannen Ortega ng Davao City sa kaniyang interpretative dance.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Tinapos ni Caramoan, Camarines Sur pride Kassandra Avena ang palabas sa isang maalab na dance routine sa musika ng This Is Me at Dance Again.

Aliwan Fiesta Digital Queen

Samantala, ang panel of judges ay binubuo ng radio broadcaster na si Deo Macalma, pageant blogger Tristan Harvey Francisco, Miss Aura International 2021 Alexandra Faith Garcia, Actress Ana Abad-Santos, Tanduay Digital Brand Manager Edzel Ty, at kinatawan ng ACS Media Agency na si Allen Yotoko.

Muling magtatagisan ang Top 12 Finalists sa Queens For A Cause competition sa Sabado, October 22, 2022, sa paglalahad ng mga adbokasiyang malapit sa kanilang puso. Mapapanood ito nang live sa Facebook page ng Aliwan Fiesta at sa lahat ng social media platforms ng MBC: DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, at Radyo Natin. Ipapalabas din ito sa DZRH TV: Channel 18 sa Cignal, Channel 129 sa Skycable, at Channel 3 sa Cablelink.

Ang Aliwan Fiesta Digital Queen 2022 ay hatid sa atin ng Unique toothpaste, White Rose Papaya whitening soap, Charm fabric conditioner, DITO Telecommunity, Birch Tree, Tanduay, Palmolive Naturals Ultra.

‘Wag ding kalimutang bumoto para sa Netizen’s Choice Award sa https://vote.aliwanfiesta.com/ hanggang October 29, 2022. I-follow mo na rin ang Aliwan Fiesta sa Facebook, Twitter, at Instagram para lagi kang updated sa announcements!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2021. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use