Aliwan Fiesta 2015
April 27, 2015
Halina’t makidalo sa pinaka-malaking fiesta sa bansa dahil muli na naman nating matutunghayan ang tunay ganda ng kultura ng Pilipinas sa ika-13 na taon ng Aliwan Fiesta 2015!
Mga dapat abangan:
- Bazaar
- Nightly Concerts
- Float Competition
- Tugtog ng Aliwan
- National Street Dance Competition
- Reyna ng Aliwan
Kailan magaganap ang Aliwan Fiesta 2015: April 23, 24, 25
Update:
SAMAR, NORTH COTABATO WAGI SA 2015 ALIWAN FIESTA
Nakamit ng mga mananayaw ng Manaragat Festival ng Catbalogan ang kampeonato sa e 2015 Aliwan Fiesta streetdance competition nang kanilang talunin ang four-time champion Lumad Basakanon ng Cebu noong sabado ng gabi. Saradong panalo para sa mga taga-Samar ang ginawa naman ng mga craftsmen ng Pinabacdao na’ng kanilang makuha ang panalo sa float design competition. Si Stephanie Joy Abellanida naman ng Midsayap Halad festival ng North Cotabato ang tinanghal na Reyna ng Aliwan.
Kasamang bumuo ng top five sa streetdance competition ang Mayaw-Mayaw festival mula Pinabacdao, ang Sakuting festival ng Dolores, Abra at ang Meguyaya festival ng Upi, Maguindanao. Sa hanay naman ng floatmakers, pumangalawa ang Sagayan festival mula Datu Piang, Maguindanao at ikatlo ang Sakuting festival.
First runner-up sa Reyna ng Aliwan si Alexandra Faith Garcia ng Zambales, habang kapwa 2nd runners-up Gazzini Christiana Ganados ng Cebu, Vianca Louise Marcelo ng Bulacan, at Jaymee Lou Pagulayan ng Isabela. Inuwi rin ni Garcia ang mga titulo bilang Most Photogenic at Best in Swimsuit, habang si Ganados ang Best in Evening Gown (Dazzling Beauty), at si Marcelo ang Miss Unique Smile.
Related Content
-
MBC Short Film Festival, muling ipalalabas ang mga winning entry mula sa MSFF2021
June 8, 2022
-
Muling Nagbabalik ang MBC Short Film Festival!
February 23, 2022
-
Manood at manalo sa Pa-Buenas sa Bagong Taon 2022!
January 11, 2022
Comments