AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso – Episode 2: Support Local
May 15, 2021
Bes, nandito nanaman ang ating Aliwan Fiesta Digital Queen na si Jannarie Zarzoso at para sa ikalawang episode ng AFDQ Talks.
Dito, tinalakay ng ating Aliwan Fiesta Digital Queen ang usapin tungkol sa Local Businesses at kung ano ang tulong at suportang kailangan nito.
Ikinumpara ni Jannarie ang pagkakaroon ng Local Business sa isa sa mga karaniwang nararamdaman ng isang pangkaraniwang tao; ang pagiging irrelevant. Sinabi niya na madalas, nararanasan ng tao ang pakiramdam na parang walang halaga, parang hindi nabibigyan ng suporta at importansya. Pero ipinaalala ni Jannarie na maaaring madaig ang pakiramdam na ito kung susubukan mong ibigay sa ibang tao ang suportang kailangan at hinihingi mo.
Paano?
Ayon kay Jannarie, “Find a buddy.” Kung pakiramdam mo ay nag-iisa ka, subukan mong maghanap ng isang taong sa tingin mo ay kailangan din kung ano ang hinahanap mo. At imbis na patuloy mong hanapin ‘yon sa iba, subukan mong ibigay ‘yon sa kanya. Sa ganitong paraan, makikita mo ‘yung sinasabing “hitting two birds with one stone”. Natulungan mo ang ibang tao, natulungan mo rin ang sarili mo.
Ito mismo ang tinutukoy ni Jannarie na suportang kailangan ng mga local businesses sa panahon ngayon. Dahil sa mundong ito na punong puno ng malalaki at higanteng korporasyon, ang tanging kailangan ng mga maliliit pa lang at nagsisimulang negosyo ay walang iba kung hindi suporta at pagpapahalaga.
Pagpapahalaga sa pagod at oras nila. Pagpapahalaga sa lahat ng pagsisikap at atensyon na itinuon nila para lang pagyamanin ‘yung sinimulan nila. Pagpapahalaga sa lahat ng sakripisyong ginawa nila ng sa gano’n ay hindi masayang ang lahat ng iginugol nila para maibahagi sa ibang tao ang mga konsepto at produkto nila.
Kailangan nila ang tulog mo, Bes. Kailangan nila ang suporta mo. Hindi magiging batayan kung maliit man ‘yan o malaki dahil ang mahalaga, tumulong ka.
Sa huli ay binahagi ng ating Aliwan Fiesta Digital Queen ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit niya ito tinatalakay: Ito ay dahil minsan sa buhay mo, naranasan mong hindi mapahalagahan at alam mo kung anong pakiramdam na parang walang nagbibigay ng importansya sayo, kaya ‘wag mong hayaang maramdaman pa ito ng ibang tao. Sabi nga ni Jannarie, “Save the businessmen. Save the locals. Believe in them because you know how much you wanted that for yourself too. Save Juan and Juana de la Cruz.”
Bes, sana ay isabuhay natin ito, dahil ang kabiguang tinamasa natin ay hindi na para iparanas pa natin sa ibang tao. Sabi nga nila, ‘wag mong gamitin ang sakit na naramdaman mo para manakit ng ibang tao. Magtulungan tayo dahil ang lahat ng maliit, lumalaki kapag pinagsasama-sama.
Related Content
-
Muling Nagbabalik ang MBC Short Film Festival!
February 23, 2022
-
Manood at manalo sa Pa-Buenas sa Bagong Taon 2022!
January 11, 2022
-
Nag-bukas ang SM ng pinto para sa donations at shelter para sa mga nasalanta ng bagyong Odette
December 30, 2021
Comments