ON-AIR NOW:

AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso – Episode 4: Owning Opportunities

June 30, 2021

Owning Opportunities

Bes! Na-miss mo ba si Jannarie? Ay, clingy yarn? Well, na-miss ka rin niya! Kaya naman ngayon ay nagbabalik ang ating Aliwan Fiesta Digital Queen! Sana all bumabalik! But wait, there’s more! Dahil sa kanyang pagbabalik, may hatid siyang magandang mensahe dito sa Episode 4 ng AFDQ Talks. Napaka-espesyal nito dahil sa episode na ‘to ay ibinahagi sa atin ni Jannarie ang mga alaala at aral na napulot niya sa kanyang karanasan bilang isang beauty queen.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang sanay na sanay nang rumampa sa entablado si Jannarie Zarzoso, well, ‘yun ay dahil pitong taon pa lang siya ay lumalaban at nananalo na siya sa mga beauty pageant. Na-enjoy at minahal ni Jannarie ang pagsali at paghahakot ng awards sa beauty pageants. Pero tulad ng naranasan ng ibang beauty queens, nakaranas din ng pagkatalo si Jannarie. Dahil dito talaga nga naman nagbigay ng kalungkutan sa kanya dahilan kung bakit matagal na huminto sa pagsali sa mga pageant si Jannarie. Kaliwa’t kanang oportunidad ang pinalagpas niya at kaliwa’t kanang “what ifs” din ang bumagabag sa kanya. Maraming pagkakataon ang lumagpas na lang nang dahil sa takot na baka hindi niya makuha ang inaasam niyang korona. Matagal na panahong ang kinailangan ni Jannarie para maging handa ulit, pero sadyang masama ang tadhana dahil kung kailan lalaban na siya sa regionals, bigla namang nagkaro’n ng pandemya. Awit, pain, pighati!

Napatunayan ni Jannarie na kung para sa’yo ang isang bagay, mapapa-sa’yo ito sa tamang panahon dahil kung kailan sinarado na ni Jannarie ang pintuan niya para sa beauty pageants, biglang nagbukas ang pinto ng Aliwan Fiesta Digital Queen para sa kanya! Kaya nga naman hindi na nagpa-bebe ang Jannarie Zarzoso natin! Agad siyang sumali at naging kauna-unahang Aliwan Fiesta Digital Queen. Heto siya ngayon, nasa ika-apat na Episode na ng AFDQ Talks! Swabe, ‘di ba?

Kaya ikaw, Bes! ‘Wag mong hayaang ipagkait ng takot sa’yo ang mga pangarap mo! Sunggab lang ng sunggab sa mga opportunity na kakatok sa’yo. Alisin mo ang tanong sa isipan mo dahil hindi masasagot ng takot ‘yan. Tandaan mo na ang mga pangyayari sa buhay mo, mabuti man o masama ay may kalakip na aral na babaunin mo sa pagtupad ng mga pangarap mo. Kaya kapag nag sanib pwersa na ang tamang panahon, at sapat na karanasan, siguradong pangmalakasan ang magiging resulta nito!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use