ON-AIR NOW:

AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso – Episode 3: Pride Month

June 22, 2021

 Bes! Heto na naman ang ating Aliwan Fiesta Digital Queen para sa panibagong episode ng AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso.

At dahil nga naman Pride month na, ang episode na ito ng AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso ay ibinibigay natin sa ating mga Bes na miyembro ng LGBTQ+ community.

AFDQ Talks with Jannarie Zarzoso – Episode 3: Pride Month 🌈

Aliwan Fiesta Digital Queen 2020 jannariezarzoso talks about #PrideMonth for the third episode of AFDQ Talks.

Watch as she talks about coming out, acceptance of the community, stereotyping and everything about the LGBTQ+ community. 🌈

Posted by Aliwan Fiesta on Tuesday, June 15, 2021

Una sa lahat, nagpa-trivia ang Aliwan Fiesta Digital Queen natin! Sinabi niya rito kung saan nga ba talaga nag-umpisa ang Pride month. Uuuy, na-curious ka rin, ‘no?

Well, ang Pride month pala ay nagsimula sa New York noong June 1969; noong mga panahong hindi pa gano’n ka-tanggap ng lipunan ang LGBTQ+ Community. Malalim ang hugot nito, mga Bes dahil noon pa man, pagtanggap at respeto na talaga ang pinaglalaban ng mga Bes natin sa LGBTQ+ Community. Simple lang naman ang gusto nila: ang maramdaman na hindi sila iba.

Ibinahagi ni Jannarie ang mga bagay na dapat nating malaman at maintindihan.

Unang una na diyan ang pinaka-unang nararanasan ng lahat ng miyembro ng LGBTQ+ Community: ‘yung “coming out” moment. Ito ‘yung isa sa mga pinaka-mahirap na stage na kailangang pag-daanan ng ilan sa ating mga Bes. Mayroong iba riyan, madaling nakapag “out” sa mga tao sa paligid niya, mayroon namang iba na hanggang ngayon, nagtatago pa. Bes, simple lang naman ang gusto nila: ang tanggapin sila, respetuhin, at maramdaman na normal sila; na hindi sila iba.

At siyempre, ang pinaka-imporante sa lahat, ang pag-stereotype sa mga miyembro ng LGBTQ+ community. Malawak ang mundo, Bes, at hindi dapat malimitahan ang kaya mong gawin ng dahil bakla o tomboy ka. Sabi nga ni Jannarie, “you and only you, yes— no other person has the power to take control of your future.” Ang payo ni Jannarie ay maniwala ka sa sarili mo at ‘wag kang magpapapigil! Napakaraming miyembro ng LGBTQ+ community ang tintitingala natin ngayon dahil hindi nila hinayaang malimitahan ng mapanghusgang lipunan ang mga kakayanan nila. Dapat gano’n ka rin, Bes!

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Jannarie para sa mga Bes natin sa LGBTQ+ community. Gusto naming malaman niyo na nakikita namin kayo, naririnig namin kayo, naiintindihan namin kayo, at mahal namin kayo. Sabi nga ni Jannarie, “We long to get so much more out of this finite life that we have— we long for affection, we long for love and love, as I recall, love is unconditional.”

Mabuhay kayo, mga Bes namin sa LGBTQ+ community! Happy Pride Month!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use