ON-AIR NOW

365 Live Performance: Julie Anne San Jose – Regrets

August 7, 2019

Ang kantang “Regrets” ni Julie Anne San Jose ay kasama sa kaniyang album na Breakthrough. Ang album na ito ay ang kauna-unahang album na ini-release ni Julie Anne sa ilalim ng Universal Records. Ito ay ini-launch noong July 2018 na matagal inabangan ng mga fans ng mang-aawit. Patunay nga rito ang pag-ani ng maraming karangalan ng mga kantang kabilang sa kaniyang album pagkatapos ang launching nito. Ang kaniyang mga original composition na “Nothing Left” at “Tayong Dalawa” ay parehas na naging number one sa iTunes Philippines All-Genre Chart matapos lamang ang kalahating oras na mai-release ito. Kasabay nito, ang kaniyang rendition ng kantang “Your Song (My One and Only) ng bandang Parokya ni Edgar ay pinatugtog naman over 5 million times sa Spotify.

At siyempre, hindi rin naman nagpahuli ang kantang “Regrets” ni Julie Anne dahil ito rin ay kinilala bilang number one sa iTunes Philippines All-Genre and Pop charts na talaga namang nagpatuloy ng success ng singer sa pagkakaroon ng kanta na nasa top spot ng mga music charts. Kaya naman pakinggan natin ang 365 Live Performance ni Julie Anne San Jose ng kaniyang kantang “Regrets”.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use