365 Live Performance: Daya – Insomnia

June 4, 2019

Bes! Alam mo ba na nag-umpisa ang professional career ng singer and songwriter na si Daya noong sinamahan siya ng kaniyang mga magulang papuntang Los Angeles upang magtrabaho kasama sina Christina Chirumbolo at Gino Barletta, ang mga founder ng INSIDE ACCESS by Accelerando, Brett McLaughlin, Britten Newbill, at Noisecastle III sa Paramount Recording Studios para mag-aral ng song writing.

Dito nagsimulang isulat at i-record ni Daya ang kaniyang debut single na "Hide Away" na hindi niya naman inaakala na sisikat. Pero nagkamali siya ng akala dahil siya ay tinulungan ng radio promotions veteran na si Steve Zap ng Z entertainment upang mai-promote ang kanta na tuluyan ngang nag-breakthrough matapos mag-peak sa number 23 ng Billboard Hot 100 noong 2015.

At sa paglabas ng kaniyang bagong single ay hindi nagpahuli ang 365 Live upang masaksihan ito kaya naman panoorin natin si Daya para sa kaniyang 365 Live Performance ng kaniyang latest song na "Insomnia".

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use