365 Live Performance: The Bloomfields – One Time Never Mind

June 6, 2019

Maraming taon na rin ang nakalipas nang magsimula ang The Bloomfields sa paghahatid ng entertainment sa mga tao- bata man o matanda. Gamit ang kanilang musika na inspired ng 60s music, matatagpuan ang banda na nagpe-perform sa iba't ibang mga bars sa Metro Manila. Masasabi rin na suki ang banda ng corporate at media events dahil madalas itong maimbitahan para kumanta sa iba't ibang okasyon. Madalas na tugtugin ng The Bloomfields ang rock and roll, sporadic ballads, at mellow hits.

At sa pagbisita nila sa 365 Live ay hindi nila maaaring hindi ipamalas ang kanilang talento sa pag-awit lalo na at mayroon silang latest track. Kaya naman pakinggan natin ang The Bloomfields para sa kanilang 365 Live Performance ng kanilang kantang "One Time Never Mind" mula sa kanilang upcoming album na "Drop Into The Blue".

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use