ON-AIR NOW:

365 Live Performance: Imago feat. BenteDos – Partida

March 16, 2020

Ang OPM band na Imago ay nagbabalik kasama ang kanilang latest single na Partida! Ito ay isang collaboration kasama ang up and coming rap artist na si BenteDos.

Ayon sa banda, naisip nila ang collaboration habang sila ay nasa home studio ng rock musician at record producer na si Raymund Marasigan. Ang ideya ay binuo habang sila ay nagba-backtrack ng kanilang mga kanta para sa kanilang live shows. Si Raymund Marasigan ay nagta-trabaho kasama ang rapper na si BenteDos. Sa katunayan nga nito ay mayroong mga naka-save na vocal tracks ni BenteDos si Marasigan. Sa kanilang pagkakatuwaan ay sinubukan ni Marasigan na hingan ng rap vocals si BenteDos ng isa sa mga lumang kanta ng Imago. Dito nga napagdesisyunan ng banda na dapat ay magkaroon sila ng collaboration kasama ang rapper.

Ayon sa Imago, ang Partida ay ang kanilang ‘fresh departure’ mula sa kanilang nakasanayang tugtog. Ang inspirasyon nila rito ay ang kanila bagong singer na si Kiara San Luis at BenteDos na parehong bago sa pagiging recording artists.

Ang Partida ay pinroduce at in-arrange ni Raymund Marasigan. Ito ay ini-record sa Kodama studios sa ilalim ng sound engineer na si Shinji Tanaka. Tumulong din ang Filipino musician na si Buddy Zabala para sa vocal production ng kanta.

Kaya naman pakinggan natin ang Imago kasama ang rapper na si BenteDos para sa kanilang 365 Live Performance ng kanilang latest single na Partida.

Comments

Holler Box

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use