ON-AIR NOW

Yes FM 101.1 itinanghal na Hall of Fame awardee ng Gawad Tanglaw

November 17, 2014

Kumpleto ang Yes FM DJs nang tanggapin ang Hall of Fame award mula sa Gawad Tanglaw. (L-R: Chico Loco, Maria Morena, Totoy Bato, Tanya Chinita, Lala Banderas, Rico Pañero, Rica Herra, Missy Hista at Yes FM’s Asst. Station Manager Katrina Golfo)

Sa ika-5 pagkakataon muli na namang nasungkit ng Yes FM Manila ang Best FM Station award mula sa Gawad Tanglaw, dahilan para mailagay ang istasyon sa Hall of Fame sa industriya ng radyo.

Napaka-laking parangal para sa Yes FM Manila ang mabigyan ng pagkakataon na mapatunayan ang galing sa radyo nang makuha nito ang Best FM Station award mula sa Gawad Tanglaw noong 2010. Ngunit ang makuha ang pagkilala ng limang magkakasunod na taon ay lubos na nakakataba ng puso.

Noong ika-labindalawa ng Marso ginanap ang 12th Gawad Tanglaw Awards 2014 sa Colegio De San Juan De Letran – Calamba, Laguna na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa larangan ng pelikula, telebisyon, at radyo. Ang ika-5 parangal na natanggap ng istasyon ang nagsilbing marka upang makamit nila ang espesyal na Hall of Fame award.

“Sobrang happy kami and honored nung nanalo ang Yes FM,” sabi ni Maria Morena, isa sa mga DJ ng istasyon. Kumpleto ang ‘Kapwa DJs’ ng Yes FM sa Gawad Tanglaw noong kanilang tinanggap ang award. “Iba ang pakiramdam kapag nare-recognize yung pinaghihirapan mo at nang team niyo,” dagdag pa niya.
Ang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw ay binubuo ng mga kritiko sa pelikula, mga iskolar, at humanities professors para sa pelikula, telebisyon, at radyo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on YesTheBest.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.

Copyright 2019. Yes The Best 101.1. All Rights Reserved.
Privacy Policy | Term of Use