Official App Ng Yes The Best, Available Na Sa Google Play At App Store!

Simula ngayon, May 10, mai-experience mo na ang pinakabago at kauna-unahang “social TV” concept para sa FM radio sa Pilipinas.

Samahan at makipagkulitan sa inyong mga ‘bes’ gamit ang message board at live video streaming sa Yes The Best app. Makakapanood rin ng exclusive videos on demand, at real time na makaka-chikahan sina Rica Herra, Missy Hista, Maria Morena, Shai Tisai, Raqi Terra, Sexy Megan, Rico Panyero at Lala Banderas gamit ang app.

BES, MAGKITA TAYO DOON!

“The mobile app is not just another touch point to keep our brand in front of people but also a rare chance for content advancement.” Paliwanag ni Mr. Wilfredo Espinosa Jr., VP for FM Programming ng Manila Broadcasting Company. “The concept of Social TV in our app provides an appealing and complementary listener and user experience. This is radio reimagined!”

Masusulyapan, mapapakinggan at pwedeng maki-join sa kulitan ng mga paborito mong programa sa Yes The Best sa pamamagitan ng live video at audio streaming.

Exclusive sa mga registered bes ang feature ng Yes The Best app na Video on Demand kung saan mapapanood mo ang mga videos na hit sa mga millennials, may feels, at sure na makakarelate ka. Mula sa Yes The Beat at Social Climbing 101 nina Rica Herra at Missy Hista; Commute Problems ni Maria Morena; mga kakaibang trip ni Shai Tisai; feels trip ng Raqi Terra’s Secret Files: mga hindi uurungan na dares ni Sexy Megan; at ang eksenang real talk nina Rico Panyero at Lala Banderas para sa Usapang LDR.

Maging updated din sa mga latest events at happenings ng inyong mga favorite artists sa Events Calendar. Plus, may chance ka pang manalo ng iba’t-ibang freebies mula sa Gift section ng Yes The Best app.

BES, PAANO?

Para sa iyong full social TV experience, maaari mo nang i-download ang Yes The Best sa Play Store at App Store.

Be one of the “Bes” at mag-register na para magkaroon ng full access sa Message Board, Videos on Demand, Events Calendar at Gifts.

Tap “WATCH” para mapanood ng live sa social TV ang Yes The Best DJs. I-tap ang “LISTEN” kung gusto mong mag-soundtrip buong araw.

Para malaman ang iba pang detalye, log on lang sa www.yesthebest.com.ph o sa aming mga official social media accounts:

Facebook: Yes The Best Manila
Twitter: @yesthebestmnl
Instagram: @yesthebestmanila
YouTube: Yes The Best Manila

Comments