May Secret Affair Ang BF Ko At Ang Tatay Ko by DJ Raqi’s Secret Files

Naghiwalay ang magulang ni Joanna nung bata pa siya dahil hindi matanggap ng Nanay niya na bading ito.

Sa pag-stay sa Papa niya up until her 17 years of age, marami na siyang nakilalang partner nito.

Maagang naging independent si Joanna at sa hindi inaaasahang pagkakataon, nagkaroon siya ng model type of friend at hindi nagtagal sila’y naging magkarelasyon.

After how many months of being together, napapansin ni Joanna na wala silang physical intimacy at hindi nagtatagal ang mga MOMOL session nila.

Up until dumating ang first time na ininvite siya ng boyfriend niyang i-meet ang parents nito so Joanna did the same thing. Ipinakilala rin niya sa Papa niya si Robin.

After meeting Joanna’s Papa, sobra ang tuwa ni Robin at sinabi pa nitong cool ang Papa niya.

As time goes by, mas nag-i-spend ng time together ang Papa niya at ang kanyang boyfriend. Hanggang sa nakita niya ang palitan nila ng sweet messages at dahil dun, nakumpirma niyang bading si Robin.

Never in her life na naisip niyang nanakawin ng Tatay niya ang boyfriend niya at hanggang ngayon, masama ang loob niya rito at wala siyang pinagsasabihan ng dahilan ng break-up nila ni Robin.

Comments