June 11 - June 15

  • 21Titibo-tibo

    Moira Dela Torre

    [Verse 1]
    Elementary pa lang, napapansin na nila
    Mga gawi kong parang hindi pambabae eh kasi
    Imbes na chinese garter, laruan ko ay teks at jolens
    Tapos ka-jamming ko lagi noon
    Mga sigang lalaki sa amin

    [Verse 2]
    Nung ako’y mag high school ay
    Napabarkada sa mga bi-curious na babae na
    Ang hanap din ay babae
    Sa halip na makeup kit, bitbit ko ay gitara
    Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na
    T-shirt at faded na lonta

    [Pre-Chorus 1]
    Pero noong nakilala kita
    Nagbagong bigla ang aking timpla
    Natuto ako na magparebond at
    Mag-ahit ng kilay at least once a month
    Hindi ko alam kung anong meron ka na
    Sa akin ay nagpalambot nang bigla
    Sinong mag-aakalang lalake pala
    Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala

    [Chorus]
    Kahit ako’y titibo-tibo
    Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo
    Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan
    At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
    Na para bang bulaklak na namumukadkad
    Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
    Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
    Sa ‘king buhay nagpapasarap

    [Verse 3]
    Nung tayo’y nag-college ay
    Saka ko lamang binigay ang matamis na oo
    Sampung buwan mong trinabaho
    Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
    Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe

    [Pre-Chorus 2]
    Kaya nga noong makilala kita
    Alam ko na agad na mayroong himala
    Natuto akong magtakong at napadalas
    Ang pagsuot ng bestidang pula
    Pero ‘di mo naman inasam na ako ay
    Magbagong tuluyan para patunayang
    Walang matigas na tinapay sa mainit na kape
    Ng iyong pagmamahal

    [Chorus]
    Kahit ako’y titibo-tibo
    Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa’yo
    Isang halik mo lamang, at ako ay tinatablan
    At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
    Na para bang bulaklak na namumukadkad
    Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
    Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
    Sa ‘king buhay nagpapasarap

    « Back to Top 20 Songs